Magbigay ng halimbawa ng mga salitang lalawiganin at ang ibig sabihin ng mga ito.
LALAWIGANIN HALIMBAWA – Isa sa mga antas ng wika ay ang lalawiganin o panlalawigan at ito ang ilang halimbawa nito.
Ang iba’t ibang mga antas ng wika ay pabalbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa, at pampanitikan. At sa araling ito, aalamin natin ang kung ano ang mga salitang lalawiganin o “ang mga dayalekto sa bansa na may kakaibang tono o punto”.
Ito ay kabilang sa mga impormal na wika. At bawat lalawigan o probinsya ay may iba-ibang punto o istilo ng pananalita at ang mga istilong ito ang mahirap kopyahin o gayahin.
Isa sa mga sikat na diyalekto ay ang Ilonggo kung saan ang kanilang malambing na pananalita ay kinagigiliwan ng marami. Sa sobrang lambing ng kanilang pananalita, hindi mo halos malalaman kung sila ay galit o hindi.
At ang kabaliktaran naman ng Ilonggo ay ang lengguwahe ng mga taga-Pangasina. . Mabilis at may diin ang kanilang pananalita.
Ito ang ilang mga halimbawa:
- Burog – pagdagundong ng lupa
- Dakula – Malaki
- Sadit – Maliit
- Oragon – Astig
- Kinalas – Noodles
- Isog – Matapang
- Gadan – namatay
- Bukid – bundok
- Baybay – buhangin
- Gamgam/Langgam – ibon
- Kalintura – lagnat
- Busay – talon
- Harong/Balay – bahay
- Atop – Bubong
- Daga – Lupa
- Tukawan – upuan
- Malinig – malinis
- Habo – Ayaw
- Ayam/Ido – Aso
- Iring – Pusa
- Sira – Isda
- Gapo – Bato
- Aldaw/Adlaw – Araw
- Uran – Ulan
- Bulan – Buwan
- Sulo – Sunog
- Paroy – Palay
- Mariposa – Paru-paro
- Taguiti – Ambon
- Dalagan – Takbo
- Lakaw – Lakad
- Magdalan – manood
- Iba – Kamias
- Salog – Ilog
- Paros – Hangin
- Bulawan – Ginto
- Aki – Bata
- Gurang – Matanda
- Kawat – Laro
- Simbag – Sagot
- Iwal – Away
- Amigo – Kaibigan
- Baile – Sayaw
- Kusog – Lakas
- Raot/Gaba – Sira/Giba
- Igwa – Meron
- Mayo – Wala
- Sain/Asa – Saan
- Pira – Ilan
- Yaon – Nandito
READ ALSO:
- Parts Of Speech Examples and Their Definition
- Katangian Ni Hermano Huseng Ng “Huling Hiling, Hinaing, at Halinghing”
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.