Migrasyon Kahulugan – Ano Ang Ibig Sabihin Nito At Mga Epekto?

Ano ang kahulugan ng migrasyon at mga epekto nito sa iba-ibang aspeto.

MIGRASYON KAHULUGAN – Narito ang ibig sabihin ng konsepto ng migrasyon at kung paano ito nakakaapekto sa tao at ekonomiya.

Ang konsepto ng migrasyon ay ginagawa ng mga tao dahil sa maraming kadahilanan. Ito ang gawain kung saan ang tao na nagmula sa isang pook ay pumunta sa ibang lugar at ito ay maaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente lamang.

Migrasyon Kahulugan

Batay sa isang post, ito ay “tumutukoy sa paglipat ng mga indibdiwal sa isang lugar patungo sa iba pang lugar upang makahanap ng mas magandang oportunidad na tutugon sa layuning makamtan ang kaginhawaan sa buhay.”

Isang pag-aaral noong 2009 ang nagsasaad na umaabot na sa bilang na 8.6 milyon na mga Pilipino ang lumipat at piniling manirahan sa ibang teritoryo. Habang sa Pilipinas, ang Maynila, ang may pinakamaraming migrante na tinitirhan.

Ang ilan sa mga rason kung bakit ito nangyayari ay:

  • Mas malaki ang kita sa ibang bansa kung kaya’t ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay patuloy na dumadami.
  • Mas ligtas sa ibang bansa.
  • Nais na makasama nila ang kanilang mga kamag-anak o pamilya na nasa ibang bansa na.
  • Mas maayos na edukasyon.
  • Mas marami ang oportunidad at mga magandang hanap-buhay, kabuhayan, at kita.
  • Paghahanap ng kapayapaan dahil sa mga gulo dulot ng hidwaan, rebelyon, at digmaan.

Ito ang ilang mga epekto nito:

  1. Nababawasan ang mga unemployed na tao.
  2. Mas napapabuti ang kalidad ng buhay.
  3. Paglago ng ekonomiya.
  4. Ang mga kabataan ay may mas magandang oportunidad para sa mas mataas at magandang kalidad ng edukasyon.

Sa kabila ng mga magagandang epekto ay ang mga negatibo katulad ng pagkaubos ng mga mahuhusay na propesyunal, overcrowding, heavy traffic, kakapusan sa mga likas na yaman, at marami pang iba.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment