Ano Ang Globalisasyon? Kahulugan At Epekto Nito

ANO ANG GLOBALISASYON – Magbigay ng kahulugan ng globalisasyon at alamin ang mga epekto nito sa mundo at sa ekonomiya.

Ang globalisasyon ay nagdudulot ng maraming epekto sa tao at ekonomiya at karamihan sa mga ito ay komplikado at politikal sa anyo. At upang mas maintindihan ito, alamin ang kahulugan at mga epekto nito.

Mabuting Epekto Ng Globalisasyon At Mga Di Mabuting Epekto Nito

Ano ang epekto ng globalisasyon at ang mga di mabuting epekto nito?

MABUTING EPEKTO NG GLOBALISASYON – Ito ang ibig sabihin ng globalisasyon at ang mga mabuti at di mabuting epekto ng globalisasyon.

Ayon sa AraLipunan, ang gobalisasyon ay “naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon”.

Mabuting Epekto Ng Globalisasyon

Ang ugnayan ng mga bansa ay nagdudulot ng malayang kalakalan sa buong mundo at ito ang isang mabuting dulot nito. Upang mapanatili ang mga mabubuting epekto nito, kailangan na maintindihan at malaman mo ang mga kahalagahan nito tulad ng pag –usad ng teknolohiya.

Ang pag-initndin at pag-alam kung bakit mahalaga ito ay makakatulong sa maraming paraan tulad ng paggaan ng ibang mga problema.

Ano nga ba ang mga mabuting epekto nito?

  • Pagkakaisa ng mga bansa.
  • Pagkakaroon ng demokrasya.
  • Malayang pakikipag-kalakalan.
  • Mas mabilis na kalakalan at pagpapalita ng mga produkto at serbisyo.
  • Paglaki ng import at export.
  • Mas maraming oportunidad sa trabaho.
  • Kalayaan sa paghahanap ng trabaho.
  • Maiiwasan ang monopoly.
  • Pagtaas ng pamumuhunan o investment.
  • Pagtanggap at pagtangkilik sa kultura ng ibang lahi.
  • Pagiging bukas ng mga bansa sa pagtangkilik ng mga produkto ng ibang bansa.
  • Mas mabilis nak pagkalat ng impormasyon datos, at balita.
  • Pag-angat ng turismo ng mga bansa.

Mayroon din itong mga di mabuting epekto tulad ng paglaganap ng terorismo, pagkakaroon ng environmental issues tulad ng Climate Change, Global Warming, at iba pa, paglaki ng agwat ng mga mayayaman sa mahihirap, paglimot sa mga nakasanayang tradisyon, at marami pang iba.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment