Ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng tao? Alamin dito!
PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG TAO – Ito ang ilang mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay ng maayos.
Upang mabuhay, nangangailangan ng maraming bagay ang isang tao. Ang mga bagay na ito ang magpapanatili ng kanilang kasiyahan at makakatulong upang sila ay patuloy na mabuhay ng maayos sa isang komunidad.

At ang mga basic needs ng isang tao pagkain, tubig, damit, at tahanan. Ang mga bagay na ito ay kailangan ng kahit sinuman upang mabuhay. Ang kailangan ng isang tao upang makamit lahat ng ito ay trabaho o pangkabuhayan.
Ito ang ilang mga halimbawa:
- pagkain na mga masustansya upang hindi magutom at humaba ang buhay
- bahay upang sila ay protektado at may matirhan
- damit para matakpan ang katawan
- elektrisidad para sa mga esensyal na kagamitan
- tubig upang hindi mauhaw at para malinis ang katawan
- likas na yaman para may mapagkukunan
- hanapbuhay upang magkaroon sila ng source of income para mabili ang kanilang mga pangangailangan
- edukasyon para sa kanilang kaalaman
- simpleng gadyet para sa komunikasyon at libangan
- healthcare para mapanatiling malusog ang kanilang katawan
- pamilya para sa kanilang kasiyahan at para may kasama sila sa buhay
Ayon sa Teorya ng Pangangailangan ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), habang napupunan ng tao ang kaniyang batayang pangangailangan, mas tumataas pa lalo ang umuusbong na antas ng mga pangangailangan.
Sa kanyang teorya, ang tubig, pagkain, kasuotan, at tirahan ay nakapaloob sa Pangangailangang Pisyolohikal habang ang asiguraduhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at siguridad sa kalusugan ay nasa Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan.
Sa Pangangailangang Panlipunan, dito napaloob ang pagkakaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya, at ng anak at ang Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto sa Ibang tao ay nagpapataas ng moralidad at tiwala sa sarili.
Ang Kaganapan ng Pagkatao ay ang pinakamataas antas ng pangangailangan.
Ito ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pangangailangan ng mga tao:
- edad
- antas ng edukasyon
- katayuan sa lipunan
- panlasa
- kita
- kapaligiran at klima
READ ALSO:
- Mga Uri Ng Sanaysay (Dalawang Uri At Mga Halimbawa)
- Pamahalaang Militar – Ano Ang Pamahalaang Militar At Layunin Nito?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.