Mayroon iba-ibang uri ang pamahalaan at alamin kung ano ang layunin ng isang pamahalaang militar.
PAMAHALAANG MILITAR – Suriin at alamin ang isang uri ng pamahalaan – ang pamahalaan militar at ang layunin nito.
Ang pamahalaan militar sa Pilipinas ay pinasimulan ni William Mckinley at ito ay nasagawa sa kasagsagan ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Sa panahong iyon, siya ang pangulo ng Estados Unidos at ang kanyang inatasan na mamuno bilang Gobernador Militar ay si Heneral Wesly Merirtt.
Hindi payag si Emilio Aguinaldo sa ganitong uri ng pamahalaan pero hindi siya dininig at pinansin. Sa ilalim ng ganitong pamamahala, sinumang mamamayang Pilipino ay walang walang kakayanang mamuno o walang kapangyarihan.
Ang pangunahing layunin ng ganitong pamahalaan ay mapigilan ang mga pag-aalsa na maaring sumiklab sa bansa. Ito ang naging paraan ng mga Amerikano upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa bansa.
Ito ang mga naging dulot nito:
- Mapayapa at maayos ang buong bansa.
- Napatupad ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
- Ang Maynila ay nabuksan para sa pandaigdigang kalakalan.
S ilalim nito ay napatupad ang Komisyong Schurman o ang First Philippine Commission. Ang naging pangulo ay si Dr. Jacob Schurman at ang mga naging kasapi ay sina Admiral George Dewey, Major Elwell S. Otis, Charles Denby, at Dr. Dean C. Worcester.
Sa komisyong ito, isa sa mga naimungkahi at ang pagsagawa ng Pamahalaang Sibil kapalit sa Pamahalaang Militar.
Ang Pamahalaang Sibil ay isa uri ng pamahalaan na sibilyan o mamamayan ang namumuno. At naitatag ang ganitong uri ng pamahalaan sa Pilipinas noong Marso 2, 1901 kung saan si William Taft ang naging Gobernador Heneral.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.