SIMUNO AT PANAGURI HALIMBAWA – Ito ang lang mga halimbawang pangungusap na may pagtukoy sa simuno at panaguri.
Ang isang pangungusap ay may dalawang bahagi – ang simuno at ang panaguri. Ang simuno ay ang salita o grupo ng mga salita na pinag-uusapan sa pangungusap habang ang panaguri ay ang salita o grupo ng mga salita na naglalarawan sa simuno.
Simuno At Panaguri – Mga Pangungusap Na May Simuno At Panaguri
Ano ang simuno at ano ang panaguri. Magbigay ng mga halimbawang pangungusap.
Ang ibig sabihin ng panaguri at simuno, ang dalawang bahagi ng pangungusap, at mga halimbawang pangungusap.
Ang isang pangungusap ay binubuo nga isang salita o lipon ng mga salita na bumubuo ng isang diwa. Ang isang pangungusap ay may dalawang ayos:
- karaniwan kung saan ang panaguri ay nauuna kaysa simuno
- di karaniwan kung saan ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri
Ang isang pangungusap ay may dalawang bahagi – ang simuno at ang panaguri. Ang simuno ay ang tao, grupo ng mga tao, o bagay na pinag-uusapan o paksa ng pangungusap habang ang panaguri naman ay ang tumutukoy ng ginagawa simuno at kadalasan ay kasunod ito ng simuno.
Mga halimbawang pangungusap na may isang simuno at isang panaguri ayon sa ayos ng pangungusap:
KARANIWAN
- Mayroong bagong kotse ang tatay ko.
- Simuno – ang tatay ko
- Panaguri – mayroong bagong kotse
- Nagsialisan papuntang kakahuyan ang mga bata.
- Simuno – mga bata
- Panaguri – nagsialisan
- Lumayas ako sa baha ng mga amo ko dahil sa kanilang kalupitan sa akin.
- Simuno – ako
- Panaguri – lumayas
- Maganang kumain si Ana kaninang umaga bago ito mahimatay.
- Simuno – Ana
- Panaguri – maganang kumain
- Umalis ng maaga si Nanay papuntang tindahan upang bumili ng pandesal.
- Simuno – si Nanay
- Panaguri – umalis ng maaga
DI KARANIWAN
- Si Ginang Reyes ay lumiban sa klase ngayong araw dahil sa kanyang lagnat.
- Simuno – Si Ginang Reyes
- Panaguri – lumiban sa klase
- Ang Pilipinas ay mayaman sa magagandang isla at iba’t ibang yamang dagat.
- Simuno – Ang Pilipinas
- Panaguri – mayaman
- Ako ay lumayas ng aming bahay dahil nag-away kami ng aking ina.
- Simuno – Ako
- Panaguri – lumayas
- Ang baso sa gilid ng mesa ay nabasag.
- Simuno – Ang baso
- Panaguri – nabasag
- Si Mae at Ana ay nagagalit sa iyo dahil sa mga kwento mo laban sa kanila.
- Simuno – Si Mae at Ana
- Panaguri – nagagalit
BASAHIN:
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.