BALAGTASAN KAHULUGAN – Pag-aralan kung ano ang ibig sabihin o kahulugan ng balagtasan at alamin ang mga halimbawa nito.
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo kung saan ang magkabilang panig ay may magkaibang pananaw tungkol sa isang paksa. Ito ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga saloobin at katwiran ay naipapahayag.
Ano Ang Balagtasan? Kahulugan At Halimbawa Nito
Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Balagtasan?”
ANO ANG BALAGTASAN – Ang Balagtasan ay isang uri ng himagsikan kung saan ang mga salita mo ang ginagamit sa labanan.
Sa entabladong ito, may dalawang panig ukol sa isang paksa na pag uusapan. Ang salitang “Balagtasan” ay hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas.
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ang saloobin at pangatwiran ay ipinapahayag ng mga salitang mag tugma sa pang hulihan.
Halimbawa:
LAKANDIWA:
Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta. Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga?
Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyayang dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala.Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.
SIPAG:
Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon? Wala na ngang pagbabago.
Kabuhaya’y urong-sulong.Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain. Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw. Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.
TALINO:
Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad.
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,Nagbibigkis sa damdamin, makayao’t makabayan.
[source] – PanitikangPinoy
READ ALSO: Elemento Ng Balagtasan – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Mga Elemento Nito