Ano ang sistema ng paniniwala at rituwal? Ito ang sagot.
SISTEMA NG PANINIWALA AT RITUWAL – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang sistema ng mga paniniwala at rituwal.
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging mga relihiyoso. Bago pa man lumaganap ang Kristiyanismo sa bansa ay mayroon ng mga pagsamba at ritwal ang ating mga ninuno. Sumasamba sila sa mga anito at kalikasan. Mayroon silang mga paraan upang makipag-ugnayan sa Pinakamataas ng Nilalang.
At hanggang sa panahon ngayon, malaking bahagi ng ating mga buhay ay nakaayon sa mahalagang gampanin ng ispiritwalidad at relihiyon. At sa isang relihiyon, may mga sistemang paniniwala, kultural, espiritwalidad, at moralidad.
Ang paniniwala ng mga grupo ng tao ay nagkakaiba at sa ilang mga pagkakataon, mayroon ding mga pagkakapareho. Ang isang halimbawa ng paniniwala ay ang pananalig sa pagkakaron ng Diyos na lumalang sa lahat. Ang mga tao ay may paniniwala rin sa kahihinatnan ng kanilang mga masama at mabuting kilos.
Sa kabilang banda, ang rituwal ay ang mga gawaing pagsamba ng mga tao. At ang rituwal sa Pilipinas ay may mayaman at mayabong na kasaysayan. Ito ay bahagi na ng ating kamalayan ay kultura.
Ang rituwal ang mga gawain na kaakibat ng mga paniniwala upang mas mapatatag pa ito. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbasa at pagbubulay-bulay, personal na panalangin, relihiyosong okasyon, sama-sama na pag-awit at pagbasa, at marami pang iba.
Ang mga mamamayan ay may kanya-kanyang sistema ng mga paniniwala at rituwal. At ang sistemang ito ay ang kanilang kakayahan na kumapit at kumilos sa na nakaayon sa kanilang mga paniniwala at mga pinaniniwalaan.
READ ALSO:
- Ano Ang Panuto (Kahulugan at Kahalagahan)
- Difference Between Qualitative and Quantitative Research? Here’s the Comparison…
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.