Ano ang mga uri ng pagkonsumo? Alamin dito!
URI NG PAGKONSUMO – Bakit nga ba tayo bumibili? Para sa ano ang ating mga kinu-konsumo? Alamin ang mga kasagutan dito.
Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo para matugunan ang kanilang mga kailangan at kagustuhan. Ang konsyumer ay mga tao o mga mamimili.
Nagbibigay kasiyahan ang paggamit ng mga produkto at serbisyo.
Ito ang mga iba’ibang uri ng pagkonsumo:
- Tuwirang Pagkonsumo
Ito ang pagkonsumo kung saan ang serbisyo o produkto ay agad na natutugunan ang pangangailangan ng mamimili.
Halimbawa:
Pagbili ng mga pagkain, hygienic products, damit, at gadgets.
Ang taong nauuhaw ay bumili ng tubig at agad na naibsan ang kanyang pagkauhaw. - Produktibong pagkonsumo
Ito ang pagkonsumo kung saan ang serbisyo o produkto ay ginamit upang gumawa ng panibagong serbisyo o produkto na kapakipakinabang.
Halimbawa:
Ang panadero ay bumibili ng asukal, harina, at itlog upang gumawa ng tinapay.?
Ang modista ay bumibili ng sinulid at tela upang gumawa ng damit. - Maaksayang pagkonsumo
Ito ang pagkonsumo kung saan ang serbisyo o produkto ay binili ng mamimili pero hindi naman nito kailanga. Tinutugon lamang nito ang hilig at kagustuhan ng tao.
Halimbawa:
Paglagay ng gold leaf sa pagkain. Hindi naman ito nakakaapekto sa lasa pero mas mahal ang presyo. - Mapanganib na pagkonsumo
Ito ang pagkonsumo kung saan ang serbisyo o produkto ay mapanganib sa tao.
Halimbawa:
Pagbili ng sigarilyo at alak na parehong walang dulot na maganda sa kalusugan. - Lantad na Pagkonsumo
Ito ang pagkonsumo kung saan ang serbisyo o produkto na maaring i-flex o maipagyabang.
Halimbawa:
Pagbili ng mga bag sa Hermes para i-post sa social media.
READ ALSO:
- What Is Part of Speech, the Definitions and Examples of Each
- Kolokyal Halimbawa – Ano Ang Kolokyal At Mga Halimbawa Nito
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.