Bottom Up Approach Kahulugan – Ano ang ibig sabihin ng Bottom Up Approach?

Ano ang kahulugan ng bottom up approach at ang kakalakasan nito.

BOTTOM UP APPROACH KAHULUGAN – Ito ang kahulugan ng bottom up approach at kung ano ang maaring maging epekto nito.

Ang pagtugon sa mga hamong pangkaligiran o iba pang isyu ay may dalawang klasipikasyon: ang top down approach at bottom up approach. Ang top down ay ang pagtugon mula sa pinakamalaki papunta sa pinakamaliit.

Top Down Approach

Maari rin itong matawag na  “General to Specific” na metodo at sa isang organisasyon, ang ganitong gawain ay nagsisimula sa pinakamataas na posisyon papunta pababa sa iba’t-ibang miyembro. Subalit may kahinaan ang ganitong approach.

Isa sa mga kahinaan ay ang posibilidad na hindi magkasundo-sundo ang mga opisyales at hindi nabibigyan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga tao. Sa kabilang banda, ang isa sa mga kalakasan nito ay ang pagkakaroon ng pondo at sapat na karanasan upang tumugon.

Bottom Up Approach

At ang isang klase na ating pag-aaralan ay ang bottom up approach. Ito ang approach kung saan ang mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan ay gumagawa ng hakbang sa pagtukoy, pag-analisa, at pag-lutas ng mga suliranin at hamon.

Ito ang pagsasagawa ng mga tao ng mga plano at pagkilos na may pagkukusa at hindi na naghihintay pa ng tugon mula sa mataas na posisyon o ang pamahalaan. Ang pondo ay galing din sa mga mamamayan.

Ang isa sa kalakasan ng ganitong approach ay mas napapansin ang mga maliliit na detalye at natutugunan agad. Madali rin ang pakikipagkomunikasyon at paggawa ng trabaho. Subalit may kahinaan din ito – walang pondo at mahina ang magiging pag-usad ng mga plano.

Samantala, sa oras ng unos, mga hamon, at problema, pinakamahalaga pa rin na ang mga tao ay may kooperasyon, disiplina, at kahandaan upang masolusyonan ang mga ito. Mahalaga rin na ang mga tao ay sumusunod sa batas ng gobyerno upang mapanitili ang kaligtasan ay kapayapaan.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment