Halimbawa Ng Klaster – 20+ Halimbawa Ng Mga Salitang Klaster

Ito ang ilan sa halimbawa ng klaster at mga pagpapaliwanag.

HALIMBAWA NG KLASTER – Basahin at alamin ang ilang mga pagpapaliwanag jat halimbawa ng mga salitangm ay klaster.

Ang klaster ay “dalawang pinagsamang katinig na bumubuo sa isang tunog”. Ito ay tinatawag rin na kambal-katinig at sa Ingles, ang tawag dito ay “cluster”. Ito ay makikita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig ng isang salita at nababasa sa iisang pantig.

Halimbawa Ng Klaster

Ito ang ilang mga halimbawa:

  1. gripo
  2. prito
  3. tsaa
  4. plato
  5. braso
  6. blusa
  7. drama
  8. dyip
  9. klase
  10. trumpo
  11. tsinelas
  12. globo
  13. tseke
  14. kumpleto
  15. eskwelahan
  16. sobre
  17. kard
  18. nars
  19. rekord
  20. kart
  21. plantsa
  22. blangko
  23. plaka
  24. prinsesa
  25. makrema
  26. beysment
  27. iskawt
  28. eroplano
  29. makrema
  30. kredo

Mga klaster sa pangungusap:

  • Marami pa akong plano para sa ating dalawa.
  • Ang nais ko ay mga makremang pagkain noong nagbubuntis ako.
  • Marunong ka bang gumamit ng plawta?
  • Hindi ko alam ang pupuno sa blangko ng buhay ko.
  • Masakit ang aking braso dahil sa magdamagang trabaho.

Ang pagtukoy ng klaster sa isang salita ay nakadepende sa pagkakahati-hati o pagkakapantig-pantig ng salita. Kapag ang dalawang katinig na magkatabi ay nasa magkakaibang pantig, ito ay hindi klaster.

Tulad ng magkaibigan na kung basahin “mag-ka-i-bi-gan”. Ang dalawang magkasasunod na katinig na “g” at “k” sa gitna ay magkahiwalay ang pagkakabigkas kung kaya’t ito ay hindi maituturing na isang klaster.

Hindi rin maituturing na klaster ang isang salita kapag ang dalawang katinig sa isang silabol o pantig ay magkalayo o hindi magkatabi.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment