Prinsipyo Ng Subsidiarity – Ano Ang Prinsipyo Ng Subsidiarity? (SAGOT)

Pagtalakay sa prinsipyo ng subsidiarity. Alamin ang pagpapakahulugan sa konseptong ito.

PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY – Pagpapa-unlad ng kaalaman patungkol sa konsepto ng prinsipyo ng subsidiarity at mga bagay na kaugnay nito.

Ang salitang subsidiarity ay nagmula sa Latin na salita na “subsidium” o ang ibig sabihin ay tulong. At sa ating lipunan, likas ang pagiging mapagbigay.

Prinsipyo Ng Subsidiarity

Ang prinsipyo ng subsidiarity ay tumutukoy sa tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng mga kailangan ng mga tao na nasasakupan nito upang tumungo sa kaunlaran. Sinisiguro rin ng pamahalaan na ang mga tao na nasasakupan nito ay malaya.

Ito ang isang pagpapakahulugan sa konseptong ito: “Ito ay ang prinsipyo kung saan ang mga magagawa, karapatan, at responsibilidad ng isang mas mababang kapangyarihan o organisasyon kaugnay sa mas mataas na kapangyarihan.”

Ang mga tao sa ibaba ay hindi lamang natutulungan sa paraan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay kundi natuturuan din sila ng mga kakayahan na ikaka-unlad ng kanilang mga sarili. Kinakailangan na mayroong pagtatanggol sa karapatan ng tao at karapatan ng minorya.

Ito ang ilan sa mga magagandang dulot nito sa isang lipunan o bansa:

  • Pagkakaisa ng mga tao sa isang komunidad.
  • Kung may pagkakaisa sa isang kumunidad, mayroon ding kaayusan at kapayapaan.
  • Ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na umunlad at magbago.
  • Malaya ang mga tao.
  • Nalilinang ang nasyonalismo o pagmamahal sa bayan.
  • May kabutihang panlahat na naidudulot.

Subalit may iilan din na masamang dulot ito tulad ng pagiging gahaman sa kapangyarihan at pera. Maari din na maging makasarili ang isang tao, mawalan ng takot sa Diyos, at mawalan ng direksyon sa buhay.

Wala rin pagpapahalaga na ipinapakita ang iba dahil nakapokus lamang siya sa kanyang sariling kapakanan. Wala siyang pakialam sa batas sa katarungan at kaayusan.

Ang mga masamang dulot na ito ay maaring maging sagabal o hadlang sa pagsunod ng ganitong prinsipyo.

Sa isang pamilya may subsidiarity na nagaganap kapag ang bawat kasapi ay may maliwanag na mga gawain. Tinuturuan ng mga mas matanda ang mga mas bata sa kanila na magawa ang kanilang tungkulin at tinutulungan ng bawat na isa na mas mapaibayo pa ang potensyal at kakayahan ng isang kasapi para sa ikakaunlad nito.

Ang konseptong ito ay nasasaloob na ang pagtulong ay hindi lamang sa paraan ng pagbibigay ng isda kundi pagturo sa kanila kung paano mangisda.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment