Pagtalakay sa apat na pangunahing direksyon. Alamin!
PANGUNAHING DIREKSYON – Pagbasa ng mapa gamit ang mga pananda o ang apat na mga pangunahing direksyon.
Ang mapa ay isang biswal na representasyon ng isang lugar kung saan nakikita ang kabubuan nito. Nagpapakita ito at nagtuturo ng mga palatandaan at pagkakakilanlan ng isang lugar. Ilan sa mga bagay na nakakatulong sa mabilis na pagbasa ay pagiging pamilyar sa mga sagisag at simbolo na makikita sa mapa.
Ang paggamit ng isang mapa ay isang mabisang paraan upang makarating sa nais mong lokasyon kung ikaw ay hindi pamilyar dito. Ito rin ay ginagamit upang mas madaling pag-aralan ang alinmang lugar sa mundo.
At isang bagay na makikita sa mapa ay ang apat na direksyon o ang tinatawag na pangunahing direksyon (cardinal directions).
Ang apat na pangunahing direksyon ay:
- HILAGA (north, N)
- TIMOG (south, S)
- SILANGAN (east, E)
- KANLURAN (west, W)
Sumisikat ang araw sa silangan at lumulubog naman ito sa kanluran. Kapag nakaharap ka sa silangan, nasa kaliwa mo ang hilaga, nasa kanan mo ang timog, at nasa likod mo ang kanluran.
Mayroon ding tinatawag na pangalawang direksyon at ito ay ang mga sumusunod:
- HILAGANG-KANLURAN (northwest, NW)
- HILAGANG-SILANGAN (northeast, NE)
- TIMOG-KANLURAN (southwest, SW)
- TIMOG-SILANGAN (southeast, SE)
Ang mga pangalawang direksyon ay madali lamang na matunton dahil nasa gitna lang ito ng mga kardinal na direksyon.
Bakit mahalaga na malaman at pag-aralan ito?
Ang mga direksyong ito ay magtutukoy ng kinalalagyan ng isang lugar o bansa. Sa tulong din ng mga ito, madaling mahahanap o matutunton ang isang lokasyon. Ang kasanayang ito ay mahalaga at magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
READ ALSO:
- Talata Example – Ano Ang Talata At Mga Halimbawa Nito
- Payak Na Pangungusap – Mga Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.