Ano ang mga dahilan na nagbigay daan sa ikalawang digmaang pandaigdig? Alamin!
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Ito ang mga dahilan na nag-ugat at nagbigay daan sa pangalawang digmaang pandaigdig.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War 1 ay nagsimula noong 1914 at natapos noong 1918. Ang ilan sa mga dahilan ng pagsiklab nito ay imperyalismo, militarismo, nasyonalismo, pagbuo ng alyansa, international anarchy, at mga pandaigdig na krisis.
BASAHIN: Unang Digmaang Pandaigdig – Mga Dahilang Nagbigay-Daan
Alemanya ang unang sumuko at sumunod ang iba pang mga bansa hanggang sa tuluyang natapos ang digmaan. Subalit, matapos ang katapusan ng una ay sumiklab ang ikalawang digmaan. Ang pangalawang pandaigdig na digmaan ay nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taong 1939 at natapos noong ika-2 ng Setyembre 1945.
Ang pangalawang digmaan ang itinuturing na pinakamalawak, pinakamahal, at pinakamadugong labanan sa kasaysayan. Bawat bansa na lumahok ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar para talunin ang kanilang mga kalaban.
Isang linggo bago nagsimula ang digmaan, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet ay nilagdaan ang Molotov-Ribbentrop – isang kasunduan. Ang kasunduang ito ay pagsang-ayon sa dibisyon ng dalawang magkakalaban.
Ang Alemanya ay unang sinugod ang kanluran, hilaga, at timog ng Poland at ang USSR ay nilusob ang silangang bahagi nito. Napasuko nila ang Poland at pinalipat sa Romania. Ang hukbo ng Nazi ay malakas at aktibo na nasakop nila ang maraming bansa sa Europa.
Noong 1940, pumasok ang Italya sa labanan at nakipagtulong sa Alemanya. Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ang mga bansang kanilang nakontrol.
Sa sumunod na taon, taong 1941, nagsimula ring sumali ang Asya nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii. Ito rin ay nagbigay daan sa Estados Unidos para sumali. Habang inatake ng Japan ang Pearl Harbor, kanila ring napatumba ang walong U.S. Navy ships at makalipas ang ilang oras, inatake ng mga mga hapon ang mga bansa tulad ng Pilipinas, Hong kong, at Singapore.
Ito ang ilan sa mga dahilan nagbigay daan sa pagsiklab ng ikalawang digmaan:
- pagiging agresibo ng Alemanya, Hapon, at Italya
- hinanakit ng Aleman dulot ng Treaty of Versailles
- ang Great Depression
READ ALSO:
- Unang Digmaang Pandaigdig – Epekto Ng Unang Digmaang Pandaigdig
- Unang Digmaang Pandaigdig – Ano Ang Mga Mahahalagang Pangyayari?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and; YouTube channel Philnews Ph.