Ano-ano ang mga epekto ng unang digmaang pandaigdig? Alamin!
EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG – Nagsimula ang digmaan noong 1914 at nagtapos ng 1918 at ito ang ilan sa mga epekto nito.
Ang unang digmaan ay nagsimula matapos patayin si Archduke Franz Ferdinand ng isang Bosnian Serb. Ang Austria ang unang nagdeklara ng pakikidigma na unti-unting lumaganap sa buong mundo. Pero noong Nobyembre 11, 1918, unang sumuko ang Alemanya at dito nagsimula ang pagsuko ng iba ring mga bansa hanggang sa natapos ng tuluyan ang digmaan.
Ang pagpagda ng Alemanya at ng Allied Nations ng Treaty of Versailles ang indikasyon na pormal ng natapos and World War 1.
Ang World War 1 ay kilala rin sa tawag na “Ang Pandaigdigang Digmaan” (The World War), “Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan” (The War to End All Wars), “Ang Digmaang Kaiser” (The Kaiser War), “Ang Digmaan ng mga Nasyon” (The War of the Nations), at “Ang Digmaan sa Europa” (The War in Europe).
At habang nangyayari ang digmaan, ito ang mga naging epekto nito:
- Milyong mga sibiliyan at sundalo ang namatay at sugatan.
- Paglitaw at pagkaroon ng mga bagong bansa.
- Paghihiwalay ng mga bansa tulad ng Austria at Hungary.
- Naging malaya ang mga bansang Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, Latvia, Estonia, Lithuania, at Albania.
- Malawak na pagkasira nga mga bahagi ng mga bansa.
- Nagkaroon ng sosyalismo.
- Pagtatag ng League Of Nations, resulta ng Paris Peace Conference.
- Pagkakaroon ng totalitaryanismo, isang sistemang politikal. Nangyari ang ibang sistemang politikal tulad ng komunismo, pasismo, diktaturya, at nazismo.
- Nagkaroon din ng malawakang krisis o depression sa ekonomiya.
- Pagpapalawak ng sining, pelikula, literatura, at iba pa.
- Umangat ang mga kababihan.
READ ALSO:
- Unang Digmaang Pandaigdig – Ano Ang Mga Mahahalagang Pangyayari?
- Unang Digmaang Pandaigdig – Mga Dahilang Nagbigay-Daan
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.