Araw Sa Palengke Summary, Kwentong Isinulat Ni May Tobias-Papa

Ito ang Araw Sa Palengke summary, isang pambatang kwento.

ARAW SA PALENGKE SUMMARY – Ito ang buod ng kwentong pambata na isinulat ni May Tobias-Papa na pinamagatang “Araw Sa Palengke”.

Si May Tobias-Papa ay isang writer at art director. Nakapagtrabaha na siya sa ilang mga major multinational companies habang nagtatrabaho din sa mga pangunahin advertising agency tulad ng JWT, McCann Erickson, Campaigns and Grey, at Publicis.

Araw Sa Palengke Summary

Isa siyang manunulat at illustrator ng tanyag na mga publishing companies tulad ng Adarna House, Bookmark, Lampara, at Tahanan. Naging creative consultant din siya ng Ramon Magsaysay Award Foundation at ABS-CBN Global. Isa rin siyang associate professor sa UP College of Fine Arts.

At isa sa mga sikat na isinulat niya ang ang kwentong pambata na may pamagat na “Araw Sa Palengke”. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang babae na gumising ng maaga para pumunta sa palengke kasama ang kanyang Nanay.

Habang namimili ay marami siyang natutunan at naranasan kagaya ng amoy ng mga karne, isda, manok, ang putik na kanilang daanan, ang mga maiingay na mga tindera at marami pang iba.

Basahin ang buod:

Gumising ang batang babae at binihisan ng kaniyang Ina upang tulungan ito mamili
sa palengke. Ang Ina ay may makulay na bayong at ang batang babae naman ay maliit at
dilaw na bayong na paglalagyan ng kanilang ipamimili. Maraming bagay ang kaniyang
naranasan sa palengke, ang amoy ng mga karne, isda, manok atbp., putik sa kanilang
nadadaanan, maiingay na mga tindera at mamimili at masisikip gawa ng daming tao sa
loob nito, ngunit sa kabila nito ay mayroong mababait na tindera ang pinatikim siya ng
kanilang produkto at binigyan siya ng mga prutas. Pagkatapos mamili ay tinulungan nya
ang kaniyang Ina na mag ayos ng pinamili nila at may nakita siyang bagay na nakabalot ng
dyaryo at nang kaniyang buksan ay isang kalan na palayok ang bumungad dito na kaniyang
nais maging lutuan, at dahil dito ay pinasalamatan niya ang kaniyang Ina sa regalong
kaniyang natanggap.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.