Pag-aralan ang panitikan sa kontemporaryong panahon. Ito ang ilang mga detalye na maaring pag-aralan.
PANITIKAN SA KONTEMPORARYONG PANAHON – Ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa panahon ng kontemporaryo.
Ang panitikan ng Pilipinas ay nagkakaiba-iba sa panahon. Dahil tayo nga ay nasakop ng mga iba’t ibang lahi, ang ating panitikan sa iba’t ibang panahon ay nagkahalo-halo ang impluwensya. Mayroon tayong panitikan sa panahon ng mga katutubo katulad ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, awiting-bayan na anyong patula, mga kwentong-bayan, alamat, at mito.
Ang sayaw at ritwal ay bahagi rin ng sining bilang mga pinakaunang anyo ng dula ng bansa.
Sa panahon ng Kastila, ang ating panitikan ay nag-iba. Sa panahong ito, ang panitikan ay tumutuon tungkol sa pananampalataya bilang ang nais nila ay maghasik ng Kristiyanismo, at mga kabutihang asal. Sa panahon ding ito umusbong ang panitikang panrebolusyon.
Nag-iba rin ang panitikan ng sinakop tayo ng mga Amerikano kung saan ang ipinamana nila sa atin ay ang edukasyon. Nagsimula rin ang pagsusulat sa Ingles at sila ang nagpakilala sa atin ng fairy tale na talaga namang kinagigiliwan ng mga bata magpahanggang ngayon. Mayroon ding panahon kung kailan tayo ay nasakop ng mga hapon.
At sa panahon ng kontemporaryo at sa panahon ng bagong lipunan, ang mga paksa ay nakatuon sa ikauunlad ng bayan, pagplano ng pamilya, wastong pagkaon, adiksyon sa droga, at polusyon. Sinikap din na putulin ang mga malalaswang akda. Naitatag din ang Ministri Ng Kabatirang Pangmadla at naipatayo ang Cultural Center Of The Philippines, Folk Arts Theater, at Metropolitan Theater.
Pinasigla rin ng dating unang ginang na si Imelda Marcos ang mga sinaunang dula, senakulo, sarswela, at iba pa.
Ang ilang mga pangunahing mandudula noon ay sina:
- Jose Y. Dalisay
- Edgar Maranasan
- Isagani Cruz
- Dong De Los Reyes
- Tony Perez
- Paul Dumol
Ang mga tula naman ay tumalakay sa pagkakaisa, pagiging matiyaga, pagpapahalaga ng pambansang kultura, pag-uugali, at kagandahan ng kapaligiran. Umunlad din ang awiting Pinoy at nataguyod ang awiting klasikal, ballet, at mga dula na naitanghal sa CCP.
Sina Rico J. Puno, Freddie Aguilar, at ang Pinoy rock band na Sampaguita ang ilan sa mga sikat na mga konpositor noon. Nagkaroon din ng mga pahayagan tulad ng Bulletin Today, Times Journal, People’s Journal, Pilipino Express, Philippine Daily Express, at marami pang iba. Samantala ang ilan sa mga sikat na magasin noon ay Liwayway, Kislap, Bulaklak, Extra Hot, at Jingle Sensation.
READ ALSO:
- A Man Of Few Words Poem From Various Writers, Some Examples
- 8 Elements Of Weather – What Are The 8 Elements Of Weather?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.