Halimbawa Ng Tono Sa Tula – Ano Ang Mga Tono Ng Tula?

Ilang mga halimbawa ng tono sa tula. Alamin dito!

HALIMBAWA NG TONO SA TULA – Alamin ang ilang mga halimbawa ng tono sa tula – anapora, epipora, aliterasyon, at paghihimig.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na masining at nagloloob ng mensahe at damdamin ng manunulat. Ito ay may iba-ibang anyo at nagagamitan ng maraming estilo. Gumagamit ito ng mga maririkit na mga salita, mga matatalinghaga, at sa kadalasan, mga tayutay.

Halimbawa Ng Tono Sa Tula

Ang isang tula ay binubuo ng isang saknong kung saan ang bawat saknong ay binubuo ng mga taludtod. Maraming anyo ang isang tulad ng malayang taludturan, tradisyonal, may sukat na walang tugma, at walang sukat pero may tugma.

At isa pang kumu-kumpleto sa isang tula ay ang tono o ang paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod. Ito ang nagbibigay indayog sa isang tula na karaniwan ay pataas o pababa.

Ito ang ilang mga halimbawa na nakakalikha ng tono sa isang tula:

  • Anapora (kapag ang salita sa unahan ay inuulit sa bawat taludtod)

Halimbawa:

Kailan ang tamang panahon?
Kailan malalaman kung ito ay tama at wasto?
Kailan darating ang panahong ito?
Kailan matatamasa ang tama sa panahong ito?

  • Epipora (kung ang salita sa dulo ay inuulit sa bawat taludtod)

Halimbawa:

Saan, kanino, at kailan makikita ang ganyang pagmamahal?
Ang tunay na pagmamahal
Ang walang sawa na pagmamahal
Ang walang hanggan na pagmamahal

  • Aliterasyon (kung ang tunog ng mga salita sa bawat taludtod ay inuulit, ito ay may dalawang uri – ang asonans at konsonans)

Halimbawa:

Asonans – Makikita sa mga mata ni Mario na masaya siya sa mga mangyayari.
Konsonans – Ang pagmamahal ko sa kanya ay lalong tumatatag habang tumatagal.

  • Paghihimig (paggamit ng mga tunog sa salita)

Halimbawa:

Pagdagundong ng malakas na kulob.

Mahinang kalampag ng pinto.

Mabining lawiswis ng sumasayaw na mga kawayan.

Sa kabilang banda, ang ilan sa mga uri ng tula ay tulang liriko, tulang pandulaan, tulang pasalaysay, at tulang patnigan.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.