HALIMBAWA NG ANAPORA – Kahulugan At Mga Halimbawa

HALIMBAWA NG ANAPORA – Kahulugan At Mga Halimbawa

HALIMBAWA NG ANAPORA – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung ano ang ibig sabihin ng tinatawag na anapora at ano ang halimbawa ng anapora.

Magsimula tayo sa kahulugan nito.

HALIMBAWA NG ANAPORA

Anapora

Ang anapora ay isang pares ng pangungusap o isang pangungusap na kung saan ang mga tinutukoy ay nasa unahan, samantalang ang larawan sa tinutukoy ay nasa hulihan. Ito ay sumalungit sa katapora, na nakabaligtad ang tinutukoy at ang larawan nito.

Halimbawa

  • Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.

Si “Jose Rizal” ang tinutukoy at ang nasa hulihan na “matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino ay ang larawan kay Jose Rizal

  • Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig mag-aral.
  • Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan ng isang bansa.
  • Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig magbasa ng libro.
  • Sumali si Via sa Paligsahan at nanalo siya.
  • Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
  • Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay kilala bilang malambing at matapang ipinaglalaban ang kanilang karapan. Sila ay hinahangaan ng mundo dahil sa mga katangiang ito.
  • Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay sa Caticlan dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
  • Ang kwago at paniki ay pawang mga hayop sa gabi subalit magkaiba sila sa anyo at katangian.
  • Ako ay pumunta sa tiangge para makabili ng gamit ngunit nakalimutan ko kung ano ang bibilhin ko.
  • Si Maria ay napakaaganda. Yun nga lang, napakasungit niya.
  • Ako ay maliit ngunit hindi mo kayang ismolin.
  • Si Lea Salonga ang sikat at kilala sa buong mundo sa larangan ng pagkanta. Hinahangaan siya ng lahat.

BASAHIN DIN: LAYUNIN NG ALAMAT – Tatlong(3) Layunin ng Alamat

Leave a Comment