Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan? Alamin!
KAHULUGAN NG KALAYAAN – Ang salitang kalayaan ay liberty o freedom sa Ingles at ito ay may kaakibat na maraming kahulugan.
Lahat ng tao ay nais na maging malaya. Sino ba naman kasi ang ayaw ng pagkakaroon kalayaan na gawin ang lahat ng kanyang gusto? Lahat tayo ay nais na magkaroon ng kalayaan na sabihin ang nais nating sabihin at puntahan ang mga lugar na gusto nating puntahan at kalayaan sa mas marami pang bagay.
BASAHIN: Hilong Talilong Kahulugan, Gamitin Ang “Hilong Talilong” Sa Pangungusap
Ang kalayaan ay ang estado sa buhay ng isang tao na maging malaya o may kakayahang gawin anuman ang mga bagay na nais nitong gawin. Ito ang “kakayahan ng tao na kumilos alinsunod sa kanilang mga halaga, pamantayan, pangangatuwiran at kalooban, na walang mga limitasyon maliban sa paggalang sa kalayaan ng iba” ayon sa Warbleton Council.
Sa usaping politikal, ang tao ay mayroong kalayaan sa lipunan at politika na tinatamasa ng bansa maraming taaon na ang nakalilipas magpa-hanggang ngayon.
Sa teolohiya naman, ang kalayaan ay tumutukoy sa pagiging malaya sa kasalanan.
Sa kabilang banda, ang Araw Ng Kalayaan sa Pilipinas ay ginaganap tuwing Hunyo 12 kada taon bilang paggunita sa kalayaang natamo natin mula sa mga mananakop.
Ito ang ilan sa mga katangian ng pagiging malaya:
- Tutol sa anumang porma ng pang-aapi tulad ng pagka-alipin, sapilitang pagkaalipin, pamimilit, pagmamanipula, at iba pa.
- Pagpapasiya para sa sarili na naayon sa iyong interes, paniniwala, opinyon, at pagkilos.
- Bilang karapatan ng tao.
- Pagiging responsable.
- Bilang gabay ng tao upang umunawa at rumespeto ng ibang tao.
Ang magiging malaya ay pagkakaroon ng kalayaan sa relihiyon, pagpapahayag, pag-iisip, pagpili, pag-biyahe, at marami pang iba.
READ ALSO:
- Gitgit Instrument – What Is The Gitgit Instrument Of Mindoro?
- Tugmang De Gulong 10 Examples, Ano Ang Tugmang De Gulong?
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.