Hilong Talilong Kahulugan, Gamitin Ang “Hilong Talilong” Sa Pangungusap

Ano ang ibig sabihin ng hilong talilong at mga halimbawang pangungusap gamit ito.

HILONG TALILONG KAHULUGAN – Ibigay ang kahulugan ng “hilong talilong” at magbigay ng mga halibawang pangungusap.

Bahagi ng mayamang kultura ng Pilipinas bago pa man ang pananakop at impluwensya ng mga ibang lahi ay ang wika. Malinaw na ang wika ang ating sandata upang magkaintindihan at maiparating sa pamamagitan ng salita ang iyong saloobin.

At ilan sa mga salita na ating nakamulatan ay masyadong malalim at pormal para gamitin sa mga pang-araw-araw na usap. Ilan sa mga malalalim na mga salita na ito ay ang hilong talilong. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay labis na nalilito o hindi malaman ang gagawin.

Hilong Talilong Kahulugan

Gamit sa pangungusap:

  • Parang hilong talilong ako sa klase dahil hindi ako nakapag-almusal.
  • Hilong talilong ang mga bata dahil sa ingay ng banda.
  • Ang aking ay parang hilong talilong sa pag-iisip kung saan kukuha ng pera para sa aking pang-matrikula.

Marami pang mga salita na mahirap unawain at mahirap gamitin sa mga usapang ordinaryo lamang. Ilan sa mga salitang ito ay naglipana (nagkalat), sandamakmak (sangkaterba), batingaw (kampana), aligaga (maraming ginagawa ng sabay sabay), nagmumurang kamyas (matandang umaasta ng bata sa pamamagitan ng pagsunod sa kung ano ang uso, alibugha (taksil), at marami pang iba.

Bukod sa malalim na salita ang hilong talilong, ito rin ay isang halimbawa ng tambalang salita. Ito ang pagsasama ng dalawang payak na salita na bumubuo ng bagong salita at kahulugan. Ilan pang mga halimbawa ng tambalang salita ay abot-kamay, anak-dalita, tikop-tuhod, tawid-dagat, tubig-alat, at marami pang iba.

Sa kabilang banda, ito ang ilan sa mga sawikain na maari mong gamitin sa iyong araw-araw na pananalita at ang kahulugan nito:

  1. Bukas ang Palad – Matulungin
  2. Amoy Pinipig – Mabango
  3. Kabiyak ng Dibdib – Asawa
  4. Butas ang bulsa – Walang pera
  5. Lantang Gulay – Sobrang pagod
  6. Nagsusunog ng Kilay – Masipag mag-aral
  7. Pag-iisang Dibdib – Kasal
  8. Makapal ang Palad – Masipag
  9. Kilos Pagong – Mabagal
  10. Mapurol ang Utak – Hindi matalino

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment