Ano ang kasingkahulugan ng mabilis at mga halimbawa sa pangungusap.
KASINGKAHULUGAN NG MABILIS – Ang kahulugan ng “mabilis”, kasingkahulugan ng salitang ito, at ang kasalungat at halimbawa sa pangungusap.
Ang ibig sabihin ng “kasingkahulugan” ay kagaya, katulad, o kapareho ng depinisyon at implikasyon ng isang salita. Habang ang “kasalungat” naman ay ang kabaliktaran ng depinisyon ng isang salita. At ang bwat salita ay mayroon “kasingkahulugan” at “kasalungat”.
At sa salitang “mabilis” – ang kasingkahulugan nito ay “matulin” at ang kasalungat ay “mabagal”. Ang ibig sabihin ng mabilis ay paggawa o pagkilos ng may bilis o pagtapos ng gawain sa pinakamaikling panahon.
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Sa sobrang pag-aalala, hindi ko namalayan na mabilis na ang pagpapatakbo ko sa sasakyan.
- Matulin na paglakad ang ginawa ko papunta sa kanya.
- Dahil tanghali na ako nagising, binilisan ko ang pagsubo upang makaalis agag.
- Tahimik at matulin ang takbo ng aming sasakyan.
- Mabilis akong lumabas ng marinig kong may nabasag sa sala.
Ito ang iba pang mga salita at ang kanilang kasingkahulugan at kasalungat na mga salita:
SALITA | KASINGKAHULUGAN | KASALUNGAT |
malakas | mabagsik | matamlay |
nangamba | nag-alala | sigurado |
masaya | masaya | malungkot |
napabilang | napasama | naiwan |
napanatag | nagustuhan | nangangamba |
matamlay | walang sigla | masigla |
suliranin | problema | solusyon |
tumungo | pumunta | umalis |
manipis | maliit | makapal |
maingay | magulo | tahimik |
matangkad | mataas | mababa |
malapad | malaki | maliit |
malungkot | malumbay | masaya |
masarap | malinamnam | mapait |
marunong | matalino | mangmang |
payapa | tahimik | maingay |
mabagal | mahina | mabilis |
matipid | masinop | magastos |
maalaga | maaruga | masama |
gusto | nais | ayaw |
tama | wasto | mali |
maganda | kaakit-akit | pangit |
kakaunti | kakarampot | marami |
malapad | maluwag | masikip |
madalas | palagi | minsan |
sapat | sakto | kulang |
matanda | may edad | bata |
malusog | mabilog | mapayat |
tapat | sinsero | sinugaling |
tuso | mandaraya | tapat |
pribado | personal | publiko |
READ ALSO:
- Pantangi at Pambalana Kahulugan, Halimbawa Sa Pangungusap
- Media and Information Sources – Brief Explanation About The Sources
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.