Ano ang mga konseptong pangwika? Ito ang kasagutan.
MGA KONSEPTONG PANGWIKA – Ang pag-unawa at pagtukoy sa kahulugan at mga kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
Mahalaga ang wika. Mayroon itong epekto sa lahat ng sitwasyon na maari nating kaharapin, ang ating relasyon sa ibang tao, at malaki ang naitutulong nito sa mga mamamayan at sa lipunan. Wika ang “sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.
Ito ang mga konseptong pangwika:
- Wika
Ayon kay Gleason (1961): “Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura” - Wikang Pambansa
Ayon sa Saligang Batas1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. - Wikang Panturo
Ang ating wikang pambansa ay ang ating wikang panturo. Sa kasalukuyan, ang mga paaralan at mga institusyon, publiko o pribado, ay nagtuturo gamit ang Filipino at wikang Ingles sa K-12 curriculum habang Mother Tongue Based- Multi-Lingual Education o MTB-MLE naman sa mga estudyanteng mula kinder hanggang Grade 3. - Wikang Opisyal
Ito ang wika na itinalagang maging opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ayon sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 noong Hunyo 1940, napagtibay na ang maging opisyal na wika ay ang wikang pambansa – ang wika ng komunikasyon sa gobyerno at wika ng pagtuturo. - Bilinggwalismo
Ang pagpapatupad ng Artikulo XV, Seksiyon 2-3 ng 1973 Konstitusyon ay ginawa ang Pilipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng komunikasyon at pagtuturo. Ipinag-ibayo ito ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon. Ang Patakarang Bilingguwal ng 1974 ang nagpatupad sa paggamit ng Ingles at Pilipino sa elementarya at sekundarya ayon sa pagpapa-pangkat-pangkat ng mga asignatura. - Multilinggwalismo
Ang isang tao ay maituturing na multilingguwal kapag bihasa siya pagsalita ng kanyang unang wika (wikang katutubo at/o wika ng tahanan), sa pangalawang wika (maaring ang wikang pambansa), at ikatlong wika. - Homogenous
Ang konseptong ito ay ayon sa kapaligiran ng mga tao o isang pangkat na magkakatulad ang interes, paniniwala, at paraan ng pamumuhay. Mayroon ding unawaan dahil sa paggamit ng iisang wika. - Heterogenous
Ang konseptong ito ay tungkol sa mga pangkat na magkaiba ang tinitirhan, interes, gawain, at iba. Ito ang teoryang sosyolingguwistiko na bumubuo ng sama-samang lakas gamit ang wika bilang mahalagang instrumento kahit magkakaiba ang kultural at sosyal na gawain.
READ ALSO:
- Types Of Speech According To Purpose, According To Delivery
- Kasaysayan Ng Wikang Pambansa Sa Panahon Ng Kastila
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.