Ano ang kasaysayan ng wikang pambansa sa panahon ng kastila? Alamin!
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA – Ang kalagayan at kasaysayan ng wikang pambansa ilalim ng mga Kastila.
Ang unang gobernador heneral na Kastila ng Pilipinas ay si Miguel Lopez de Legazpi at si Villalobos naman ang nagbigay ng pangalan sa bansa na “Felipinas” bilang parangal sa Haring Felipe II ng panahon na iyon at sa kalaunan ay naging “Filipinas”.
Ang ating mga katutubo ay tinawag nila noong barbariko, di sibilisado, at mga pagano. Dahil di sibilisado ang mga tao noon para sa kanila, itinuro nila ang Kristiyanismo. At sa panahon ng Kastila, maraming pagbabago sa bansa ang nangyari.
Katulad na lamang ng Alibata. Ang dating paggamit ng Alibata ay napalitan ng paggamit ng Alpabetong Romano. Ang Alpabetong Romano ay mayroong 20 titik – limang (5) patinig, at labinlimang (15) katinig. At sa panahon ng Kastila, ang wikang Kastila ang naging opisyal na wika ng Pilipinas.
Ang wikang Kastila ang naging wika ng pamahalaan, edukasyon, at kalakalan sa buong panahon ng pananakop nila sa bansa.
Kilalanin ang ilan sa mga taong may mahalagang iniutos at ginawa tungkol sa wikang gagamitin sa bansa:
- Gobernador Francisco Tellode Guzman – nagsabi na turuan ng Espanyol ang mga Indio
- Carlos I at Felipe II – naniwalang kailangang “bilingual” ang mga Pilipino
- Carlos I – nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiano gamit ang wikang Espanyol
- Haring Felipe II – nag-utos na ituro ang Espanyol na wika sa mga katutubo
- Carlos II – naglagda ng nasabing kautusan at parurusahan ang hindi susunod
- Carlos IV – nag-utos ng paggamit ng wikang Espanyol sa mga paaralan
Sa panahon ng Kastila, nanganib ang wikang Katutubo dahil sa kanilang mga kautusan na pag-ibayuhin ang pagtuturo ng kanilang wika sa mga tao ng bansa. Dahil dito, nagkaroon ng rebolusyon at nagkaroon ng kilusan ng propaganda. Bilang unang hakbang sa pagyakap muli ng wikang Tagalog, natatag ang Katipunan sa ilalim ng pamumuno ni Andres Bonifacio at gamit nila ang wikang Tagalog sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
Tagalog rin ang ginamit sa panitikan. Sa tulong ng Konstitusyong Biak-Na-Bato, naging opisyal na wika ang Tagalog pero hindi naisaad sa konstitusyon na ito ay magiging wikang pambansa. Naging opisyal na naging wikang pambansa ang Tagalog ng matatag ang Unang Republika kung saan si Emilio Aguinaldo ang namuno bilang unang presidente ng bansa.
READ ALSO:
- Philippine Authors and Their Works – Some Legendary Authors In PH
- Functions Of Communication – Basic Functions Of Communication
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.