Ang mga akda ni Apolinario Mabini, ang “Utak Ng Himagsikan” at ang “Dakilang Lumpo”.
AKDA NI APOLINARIO MABINI – Si Apolinario Mabini ay tinaguriang “Utak Ng Himagsikan” at ang “Dakilang Lumpo” dahil sa kanyang mga akda.
Ang Utak Ng Himagsikan” at ang “Dakilang Lumpo” ay Apolinario Mabini. Ipinanganak siya noong Hulyo 23,1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas, pangalawa sa walong anaknina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia Maranan, isang tindera sa palengke. Isa siyang iskolar ng Colegio de San Juan de Letran noong 1881 at nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894.

Aktibong kasapi siya ng La Liga Filipina at Kilusang Propaganda. Dahil sa isang sakit, siya ay naging lumpo. Sumiklab ang Himagsikan noong 1896, naparatangan siyang isang Katipunero. Siya ay dinakip pero hindi ikinulong dahil sa kanyang kondisyon. Nanatili siya sa ospital ng San Juan de Dios hanggang sa magkaroon siya ng amnestiya. Sa kanyang pananatili doon, nakita niya ang kabuluhan ng Katipunan.
Hinirang siyáng punòng ministro ng rebolusyonaryong Kongresong Malolos ni Heneral Emilio Aguinaldo at nagsulat ng mga dekreto, manipesto, at iba pang kasulatan para sa heneral. Dahil dito, tinawag siyang “Utak ng Himagsikang Filipino”. Sumiklab ang Digmaang Filipino-Americano pero hindi siya sumuko. Sumulat siya ng mga kasulatan laban sa mga Amerikano. Nadakip siya at ipinatapon sa Guam kung saan natapos niya ang La Revolucion Filipina.
Ito ang ilan sa mga akda na kanyang naisulat:
- Programa Constitutional Dele Republika Filipinas – naglalaman ng mga balak para sa pamahalaan at edukasyon ng bansa
- El Desarollo y Caida De la Republica Filipino (Ang Pagtaas at Pagbagsak Ng Republikang Pilipino) – mga pagpapaliwanag sa pagtaas at pagbagsak ng republika
- El Simil de Alejandro – naglalaman ng pagtuligsa sa pamahalaang Amerikano
- El Verdadero Decalogo (Ang Tunay Na Sampung Utos)
Basahin ang isa sa kanyang mga nasulat na dedikasyon na isinalin ni Leon Ma. Guerrero para sa National Historical Commission, Department of Education.
LA REVOLUCION FILIPINA
Ang Himagsikan Ng Mga Pilipino
Pag-uukol Sa Iyo, Aking Ina,
Nuong ako ay musmos pa, sinabi ko sa iyo na nais kong makapag-aral, at ikaw ay nalugod sapagkat iyong naipuso na magkaroon ng anak na pari. Ang maging ministro ng Diyos, para sa iyo, ay ang pinaka-malaking karangalang maaabot ng tao sa lupa.
Ngunit alam mo na ikaw ay napakadukha upang matustusan ang aking pag-aaral, kaya nagsikap ka sa abot ng iyong kaya, hindi mo ininda ang init ng araw, ni ang ginaw ng ulan, hanggang ikaw ay nagkasakit, na siya mong ikinamatay.
Hindi ako nakatadhanang maging isang pari ngunit panindigan ko na ang tunay na ministro ng Diyos ay hindi ang naka-sutana kundi ang sinumang magtanghal ng luwalhati ng Diyos sa paggawa ng mabuti at pagsilbi sa pinaka-raming nilalang na kaya niyang paglingkuran, at sisikapin kong maging tapat sa iyong mga hangarin hanggang abot ng aking lakas. Ngayon, nais kong ilatag sa iyong libingan ang isang alay na ginawa ko sa sariling mga kamay, kaya inuukol ko sa iyo, sa iyong alaala, itong aking isinusulat, maliit at abang bagay at hindi sapat na handog sa iyo, ngunit ang pinaka-mainam sa mga kayang gawin ng iyong anak
READ ALSO:
- Essence By Jose Claudio Guerrero – The Full Story Of “Essence”
- Halimbawa Ng Paghahambing – Magbigay Ng Halimbawa Sa Pangungusap
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.