Ilang bagay na dapat tandaan sa panahon ng kalamidad partikular na ang lindol
LINDOL – Narito ang mga dapat tandaan sa panahon ng kalamidad partikular na ang pagyanig ng lupa.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa “Pacific Ring of Fire” at sa kahabaan ng Pacific typhoon belt, dahilan kung bakit nakakaranas ito ng ibat-ibang uri ng sakuna gaya ng bagyo, lindol, baha, pagsabog ng bulkan, pagguho ng lupa, at marami pang iba.
Isa sa mga partikular na kalamidad na nangyayari sa ating bansa ay ang lindol.
Ang lindol ay ang biglaan at marahas na pagyanig ng lupa na kung minsan ay nagdudulot ng malaking pagkawasak bilang resulta ng mga paggalaw sa loob ng crust ng lupa.
Ngunit, ano nga ba ang mga bagay na dapat tandaan sa panahon ng kalamidad na ito?
Unang dapat na tandaan tuwing may lindol ay ang maging maingat.
Kung nasa loob ng bahay, magtago sa ilalim ng mesa at tiyaking makakalabas ng bahay pagkatapos ng pagyanig. Kung lilikas naman ay dapat isara ang switch ng gas at i-off ang breaker ng kuryente para maiwasan ang sunog.
Kung ikaw naman ay nasa labas ng bahay, lumayo sa mga gusali sapagkat ito ay maaring gumuho.
Kung ang iyong bahay ay malapit sa dagat o ilog, maiging lumikas o magpunta sa mataas na lugar dahil maaring magkaroon ng Tsunami.
Pangalawang bagay na dapat tandaan ay maging maingat sa paglikas.
Isa rin sa mga dapat tandaan kung may lindol ay ang pagkalap ng impormasyon tungkol rito sa telebisyon, radyo, pahayagan at internet.
Panghuli, maghanda ng mga bagay na dapat dalhin sa paglikas at
ipunin sa isang bag at ilagay sa lugar na madaling mailabas gaya ng pagkain partiular na ang delata, tubig, gamot, pera, cellphone, flashlight at marami pang iba.
Basahin:
Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.