Dahilan Ng Kakapusan At Kakulangan, Pinagkaiba Ng Kakapusan At Kakulangan

Ano ang pinagkaiba anf mga dahilan ng kakapusan at kakulangan? Alamin dito!

DAHILAN NG KAKAPUSAN AT KAKULANGAN – Ito ang pinagkaiba ng kakapusan at kakulangan at mga dahilan kung bakit ito nangyayari.

Ang ang pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan?

Ang kakulangan ay ang pansamantalang pagkakulang ng mga supply tulad ng bigas sa pamilihan. Maari pang bumalik sa normal ang supply kapag ang mga dahilan nito ay naayos na. Ito rin pansamantala lamang sapagkat ang mga tao ay may magagawa pa upang masolusyonan ito.

Ilan sa mga dahilan kung bakit may kakulangan ay bagyo, peste, El Nino, at iba pang kalamidad. Sa panahon ng mga sakuna, nawawalan o nagkukulang tayo sa mga supply pero ito ay temporaryo lamang.

Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado lamang ang mapagkukunan tulad ng nickel, chromite, natural gas, at iba pang non-renewable resources. Ang mga ito mula sa kalikasan. Ang kakapusan ay maaring magpababa ng ekonomiya ng isang bansa. Halimbawa ay ang endangered species, pagkawala ng balanse ng kapaligiran, yamang kapital, growth rate ng yamang tao at marami pang iba.

Marami ang dahilan king bakit tayo ay kinakapos at ilan sa mga dahilang ito ay:

  • Pag-aaksaya/pang-aabuso sa mga yaman na pinagkukunan at non-renewability.  
  • Dumadami at lumalaki ang populasyong kung kaya’t ang kalikasan ay nahihirapan na muling likhain ang mga yaman upang matugunan ang pangangailangan ng marami.
  • Pag-aabuso sa pagkuha o paggamit sa mga pinagkukunan ng yaman.
  • Ilan sa mga yamang ito ay non-renewable.

Ang isa sa mga masasamang epekto ng kakulangan at kakapusan ay taggutom dahil hindi na magiging sapat ang supply sapagkat kapos ang pinagkukunan. Ilan rin sa magiging epekto ay karahasan o kaguluhan, pagmahal at pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kawalan ng trabaho.

BASAHIN:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment