Narito ang ilan sa mahihirap na salita sa wikang Filipino
Lingid sa ating kaalaman ay marami pa rin ang mga salita sa wikang Filipino ang hindi pa natin nalalaman.
Sa araling ito ay ating tutuklasin ang ilan sa mahihirap na salitang Filipino at kung ano ang kahulugan ng mga ito.
Maliban pa diyan ay atin rin aalamin ang katumbas nitong salita kung isasalin sa wikang Ingles o English.
Bisitahin: Malalim Na Salitang Filipino – Halimbawa At Kahulugan Nito
- Sulatroniko
Pagsasalin sa Ingles: E-mail
Kahulugan: Isang sistema para sa pagpapadala ng mga mensahe mula sa isang computer patungo sa isa pang computer. - Yakis
Pagsasalin sa Ingles: “To sharpen”
Kahulugan: Upang patalasin ang isang bagay. - Panginain
Pagsasalin sa Ingles: Browser
Kahulugan: Isang computer program na ginagamit upang maghanap at tumingin ng impormasyon sa Internet. - Pantablay
Pagsasalin sa Ingles: Charger
Kahulugan: Isang device na ginagamit para sa pag-charge ng mga baterya. - Kawingan
Pagsasalin sa Ingles: Hyperlink
Kahulugan: Ang naka-highlight na salita o larawan sa isang dokumento o Web page na maaari mong i-click gamit ang isang computer mouse upang pumunta sa ibang ibang dokumento o Web page. - Initsigan
Pagsasalin sa Ingles: Thermodynamics
Kahulugan: Isang agham na tumatalakay sa pagkilos ng init at mga kaugnay na anyo ng enerhiya. - Danumsigwasan
Pagsasalin sa Ingles: Hydraulics
Kahulugan: Ang agham na tumatalakay sa mga paraan ng paggamit ng likido (tulad ng tubig) kapag ito ay gumagalaw. - Asoge
Pagsasalin sa Ingles: Mercury
Kahulugan: Isang pilak na metal na likido sa normal na temperatura. - Anluwage
Pagsasalin sa Ingles: Carpenter
Kahulugan: Isang tao na ang trabaho ay gumawa o ayusin ang mga bagay na gawa sa kahoy o mga bahaging kahoy ng mga gusali.
Salamat sa pagbisita sa Philnews.ph. Maaari mong ipahayag ang iyong mga saloobin at reaksyon sa comment section sa ibaba. Maaari mo rin kaming sundan sa Facebook, Twitter, at mag-subscribe sa aming YouTube channel Philnews Ph.