Makataong Kilos – 10 Halimbawa Ng Makataong Kilos

Ano ang mga halimbawa ng makataong kilos? Ito ang sagot.

MAKATAONG KILOS – Ang kahulugan ng makataon kilos at halimbawa ng mga magagandang ugali na ipinakikita mo sa iyong kapwa.

Ang kilos ay ang galaw ng tao na nakadepende sa kanyang motibo o intensyon. Ang kamangmangan, karahasan, ugali, isang malakas na pakiramdam, at takot ang ilan sa mga nakakaapekto ng kilos ng isang tao. At kung gawa o kilos ang usapan, ang tao ay may makataong kilos kung saan ito ay ginagawa ng may pagkukusa, kalayaan, at kaalaman.

Lahat tayo ay dapat na maging responsable sa ating mga kilos maging masama o maganda man ang resulta nito. May kalayaan tayo na pumili at dapat lang na may paninindigan tayo anuman ang kalabasan ng ating mga kilos.

Makataong Kilos

Ang dalawang uri ng kilos – kilos ng tao at makataong kilos.

  • Kilos ng tao ay ang mga kilos na hindi na ginagamitan ng pag-iisip katulad ng paghinga, tibok ng puso, at marami pang iba.
  • Makataong kilos ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa ng isang tao nang may kusa. May kalayaan at kalayaan na gawin ang mga kilos na ito pero nakadepende sa pagsusuri at konsensya para gawin ito.

10 halimbawa ng mga makataong kilos:

  1. Pag-iisip ng kapakanan at nararamdaman ng ibang tao.
  2. Paggalang anuman ang estado sa buhay at itsura and pagiging pantay ang tingin sa lahat.
  3. Hindi hinuhusgahan ang iba.
  4. Hindi sumasabay, lumalahot, at nanggagatong sa tsismis.
  5. Walang pang-aabuso na ginagawa sa ibang tao.
  6. Hindi naiinggit sa tagumpay ng tao.
  7. Tumutulong hangga’t kaya.
  8. Paghingi ng tawad kapag nagkasala.
  9. Hindi gumagawa o nagsasabi na ikakasira ng iba.
  10. Hindi nagyayabang.

Ilan lamang ito sa mga magagandang gawain at pagiging makatao. Ang pagiging isang mabuting tao ay mahalaga dahil itong paraan paraan upang magpakita ng respeto at pagmamahal sa iba. Nagiging maayos at mapayapa rin ang paligid dahil sa pagiging mabuti ng bawat isa.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment