Rin at Din Sa Pangungusap – Ano Ang Pinagkaiba at Mga Halimbawa

Paggamit ng rin at din sa pangungusap at ang mga pinagkaiba nila.

RIN AT DIN SA PANGUNGUSAP – Paano ginagamit ang “rin” at “din” sa isang pangungusap, mga halimbawa, at ang pinagkaiba ng dalawa.

Ang makabuluhang paggamit ng wikang Filipino minsan ay may kaunting kalituhan. Katulad ng wastong paggamit ng “rin” at “din” sa isang pangungusap. Ano nga ba ang mga platandaan na dapat “rin” ang gamit at hindi “din”. Ano ang pagkakaiba ng dalawang salita ito na kung titingnan ay isang titik lamang hindi nila pagkakapareho?

Hindi lang “rin” at “din”, nariyan rin ang mga katagang “daw” at “raw”, “doon” at “roon”, “diyan” at “riyan”, at “dini” at “rini”. Marami ang nalilito kung paano gamitin at ang kabihan ng mga ito sa isa’t isa.

Sa “rin” at “din”, ang kaibahan sa paggamit ay base sa sinusundang salita. “Rin” ang gagamitin kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o vowel (a, e, i, o, u) at mga malapatinig o semi-vowel (w, y). “Din” ang gagamitin kung hindi nagtatapos sa patinig o malapatinig.

“Rin” – mga halimbawang pangungusap:

  1. Ayaw k(o) rin na matapang ang amoy dahil madali akong siponin.
  2. Pumunta k(a) rin sa bahay ngayong araw.
  3. Nag-aawa(y) rin kayo sa harap ng dalawang bata?
  4. Ibili m(o) rin ako ng magandang sapatos tulad niya.
  5. Malilig(o) rin kami maya-maya kapag humupa na ang mga malalakas na alon.

“Din” – mga halimbawang pangungusap:

  1. Sa ilo(g) din ba kayo maglalaba ngayong araw?
  2. Mayroo(n) din sana akong nais sabihin at itanong sa iyo.
  3. Di mo nama(n) din ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya.
  4. Nahulo(g) din ako sa kanyang mga magagandang ngiti.
  5. Naghahana(p) din ako ng magandang damit na susuotin sa binyag.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment