Anu-ano ang mga karagatan ng daigdig mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.
MGA KARAGATAN NG DAIGDIG – Pagpapaliwanag ng mga importanteng detalye tungkol sa limang karagatan ng daigdig.
Ang buong mundo ay mayroong limang malalaking karagatan. Ang karagatan ay isang malaking katawan ng tubig na asin na sumasakop ng 71% ng ibabaw ng Earth. Ang limang karagatan na ito ay konektado para sa isang “Karagatang Daigdig” pero ito nahahati sa limang magkakaibang karagatan.
Ang mga karagatan ng daigdig ay (mula sa pinakamalaki):
- Karagatang Pasipiko – ang naghihiwalay sa mga kontinente ng Amerika, Asya, at Australia, at nasa pagitan ito ng Southern Ocean, Asia, at Australia at ng Western Hemisphere. Ito ang pinakamalaki na may sukat na 60,060,700 square miles (155,557,000 sq km) at lalim na 13,215 feet (4,028 m). Ang pinakamalalim na punto nito ay ang Mariana Trench.
- Karagatang Atlantiko – ang karagatan na bumabagtas mula Arctic hanggang Antarctic at ito ay nasa pagitan ng Africa, Europa, Southern Ocean, at ang Western Hemisphere. . Ito ay may sukat na 29,637,900 square miles (76,762,000 sq km). Ito ay may lalim na 12,880 talampakan (3,926 m) at pinakamalalim nitong punto ay ang Puerto Rico Trench. Binubuo nito ang baybayin ng Cape Verde at Aprika.Â
- Karagatang Indiyan: ang karagatan na napaliligiran ng Aprika, Asya, Australia, at Antartica. Sumasakop ito ng  26,469,900 square miles (68,566,000 sq km) ay may lalim na 13,002 feet (3,963 m). Ang Java Trench ang pinakalalim na punto nito. Sinasakop ng Indian Ocean ang mga katawan ng tubig tulad ng Andaman, Arabian, Flores, Java, Red Seas, Bay of Bengal, Great Australian Bight, Golpo ng Aden, Golpo ng Oman, Mozambique Channel, at ang Persian Gulf.Â
- Karagatang Antartiko – ang karagatan nasa Antarctic Circle at nasa hanggahan ng Antartiko. Ito ay may kabuuang lugar na 7,848,300 square miles (20,327,000 sq km) at kinikilala rin sa tawag na “Dakilang Katimugang Karagatan”. Ang lalim nito ay umaabot ng 13,100 hanggang 16,400 feet (4,000 hanggang 5,000 m) at ang pinakamalalim na punto ay nasa dulong timog ng South Sandwich Trench.
- Karagatang Artiko – karagatang nasa hilaga ng Arctic Circle at pumapaligid sa North Pole. Sinasakop nito ang 5,427,000 square miles (14,056,000 sq km) ng daigdig at may lalim na 3,953 talampakan (1,205 m). Ang Fram Basin ang pinakamalalim nitong punto.
READ ALSO:
- Conditionals In Argumentation – Examples and Structure Of Conditionals
- Mga Gampanin Ng Mga Kababaihan Sa Kasalukuyang Panahon
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.