Sagot Sa Tanong Na “Kailan Nating Masasabing Na May Pag-Unlad?”
PAG-UNLAD – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung kailan nga ba nating masasabing na mayroong pag-unlad sa ating sarili.
ANO ANG PAG-UNLAD?
Maraming depenisyon o kahulugan ang pag-unlad depende sa kung anong bagay ang ating tinatalakay. Pero, ang pag-unlad ay naglalarawan sa pagbabago at pagsisimula sa isang bagay hanggang sa pag-angat nito.
Ang kaunlaran ay maaaring maging paraan upang mabawasan ang paghihirap ng ating bansa at sarili. Kadalasang ginagamit ang pag-unlad kapag ang tinatalakay nating pagksa ay sarili, ekonomiya, estado, o talento.
PAANO MASASABING MAY PAG-UNLAD?
May pag-unlad ang isang bagay kapag nasimulan mo na ito at may pagbabago ka nang nakikita na positibo. Kahit ito’y maliit lamang na bagay, pag-unlad pa rin ito.
Isang halimbawa nito ay ang grado natin sa paaralan. Kung ang una mong marka ay mababa, ika’y nag-arala ng mabuti para mapataas ito. Pagdating ng sunod na markahan, naging mataas na ang grado mo. Dahil dito, may pag-unlad kana sa iyong pag-aaral.
Heto pa ang ilang halimbawa kung paano masasabi na may pag-unlad:
- Tinatanggal mo na sa buhay ang hindi magandang relasyon
- Ika’y wala na sa iyong “comfort zone”
- Mas nabibigyan halaga ang iyong personal na kagustuhan kesa sa mga gusto ng iba
- Pinag-iisipan mo na ng mabuti ang iyong mga emosyon
- Alam mo na kung ano ang mali
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Mock Trial Script Tagalog Halimbawa At Kahulugan