Saan Natin Matatagpuan Ang Karagatang Pasipiko? (Sagot)
KARAGATANG PASIPIKO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung saan nga ba natin matatagpuan ang karagatang pasipiko at ang ibang mga kaalaman tungkol dito.
Ang Karagatang pasipiko ay ang pinakamalaking katawan ng tubig na makikita sa ating mundo. Ito’y makikita sa silangan ng Asya at Australya. Samantala, ito naman ay nasa kanluran ng Amerika.
BAKIT MAHALAGA ANG KARAGATANG PASIPIKO?
Ang Pasipiko ay isang makabuluhang kontribyutor sa pandaigdigang ekonomiya, lalo na para sa mga bansang ang mga karagatan ay direktang naaabot nito.
Nag-aalok ito ng murang maritime transit sa pagitan ng Silangan at Kanluran, pati na rin ang malawak na lugar ng pangingisda, mga reserbang langis at gas sa malayo sa pampang, mga mineral, at buhangin at graba ng gusali.
SAAN ANG KARAGATANG PASIPIKO?
Ating makikita ang ang karagatang pasipiko sa silangang bahagi ng Pilipinas. Dahil ang Pilipinas ay nasa karagtang pasipiko, sakop din ito sa tinatawag na Pacific Ring of Fire.
Sa lugar na ito, makikita ang mga aktibong bolkan na nasa Karagatang Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit maraming aktibong bulkan sa Pilipinas.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: What Would You Personally Miss Most In Such A Situation