Bahaging Ginagampanan Ng Factor Market? (Sagot)

Heto Ang Mga Bahaging Ginagampanan Ng Factor Market

FACTOR MARKET – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga bahaging ginagampanan ng Factor Market at ang mga halimbawa nito.

ANO ANG FACTOR MARKET?

Ang Factor Market ay bahagi ng pag-aaral sa ekonomiya. Ito’y naglalarawan sa merkadong nagpapaikot ng mga negosyo. Bukod dito, ang factor market ay ang pangunahing bumibili sa mga mahahalagang kagamitan na kailangan para magpatuloy ang isang negosyo.

Bahaging Ginagampanan Ng Factor Market? (Sagot)

Heto ang ilan sa mga bahagi ng factor market:

  • Lupa – Ginagamit ito upang pagtatayuan ng lokasyon ng isang negosyo.  
  • Kapital – Ang pangunahing pera na kinakailangan sa pagsisimula ng isang negosyo.  
  • Labor – Katumbas na halagang ibinabayad sa mga taong nagtatrabaho upang mapaunlad ang negosyo.  
  • Materyales – Ang mga pangunahing pangangailangan upang makabuo ng isang produkto.

Ating tandaan na ang factor market ay isang palengke. Dito natin makikita ang mga produktibong yaman ay nabebenta at nabibili. Kaya naman, masasabi natin na ito ay nagsisilbing tulay para magtagpuan ang mga prodyuser at mga konsumer ng mga produkto.

Kapag kulang sa materyales, tao, o kapital ang isang negosyo, maaari silang pumunta sa factor market para makuha ang kanilang mga pangangailangan sa pagpapatuloy ng kanilang produksiyon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Saan Matatagpuan Ang Karagatang Pasipiko? (Sagot)

Leave a Comment