Ano Ang Kahulugan Ng Kabatiran At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)
KABATIRAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kabatiran at ang kahulugan at halimbawa nito.
Kapag sinabi nating kabatiran, ang ibig-sabihin nito ay ipinaaalam, ipinahahatid, binibigyan turan, o ipinahahayon. Heto ang mga halimbawa ng paggamit ng salitang “kabatiran“ sa pangungusap:
- Tumayo si Peter ay nagsalita sa harap ng buong klase para sa kabatiran ng lahat tungkol sa bagong anunsyo ng guro.
- Inilahad ni Hector ang lahat ng sekreto ng kanyang ama para sa kabatiran ng mga pulis na naghahanap sa kanya.
- Nagpulong ang mga lider ng bansa para sa kabatiran ng lahat ng mamamayan sa mundo tungkol sa gagawing hakbang laban sa pandemya.
BAKIT MAHALAGA ANG KABATIRAN?
Mahalaga ang Kabatiran dahil ito’y nagbibigay ng impormasyon sa mga tao. Alam naman natin na ang impormasyon ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng komunikasyon.
Bukod dito, ating tandaan na ang impormasyong binibigay natin ay dapat maging tama at makatotohanan para sa kabatiran ng lahat ng nangangailangan.
Ginagamit natin ang salitang kabatiran upang ipaalam sa mga tao ang impormasyon tungkol sa isang pangyayari, kaganapan, utos, ideya at iba pa.
Kapag tayo’y naglalahad para sa kabatiran ng iba, nabibigyan natin sila ng mga mahahalagang impormasyon na posibleng mag-udyok sa kanilang mga aksyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ang Mahusay Na Pamamahala Ay May Kilos Mula Sa? (Sagot)