Sagot Sa Tanong Na “Bakit Sa Great Britain Nagsimula Ang Rebulusyong Industriyal?”
REBULUSYONG INDUSTRIYAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba sa Great Britain nagsimula ang Rebulusyong Industriyal.
Ang rebulusyong industriyal ang isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kasaysayan ng mundo. Nagdulot ito ng maraming kaunlaran sa larangan ng industriya at naging dahilan sa pagunlad ng ating mundo.
Ang unang Rebulusyong Industriyal ay nagsimula sa Great Britan matapos ang 1750. Dahil sa kita na nakuha ng mga negosyante sa cotton at iba pang mga kalakal, ang mga inbestor ay nakakuha ng pondo para magpagawa ng mga paktoryahan.
Napabilis ang mga ordinaryong gawain ng mga tao at nagsimulang magpalabas ng mas maraming produkto ang mga paktoryang ito. Isa rin sa mga dahilan kung bakit nagsimula ito sa Britain ay ang laganap na palitan ng impormasyon.
Ang pag-unlad ng “mga natural na lipunan ng pilosopiya” sa buong mundo ay nagkaroon ng epekto ng pagpapalaganap ng impormasyon, kakayahan, at interes sa bagong pang-agham na pag-unawa at teknikal na paggamit ng kaalamang iyon, pati na rin ang paggawa ng mga bagong konseptong pangkomersiyo.
Isa rin sa mga malaking dahilan ng pagsimula ng Rebolusyong Industriyal sa Great Britain ay ang pagkontrol ng Royal Navy sa karagatan.
Dahil sa kanila, nabawasan ang pamimirata ang nagdulot ng mas ligtas na mga daanan para sa mga barkong pangkalakal. Kaya naman, nabigyan ng mas madaming produkto ang mga negosyante na ikalakal sa ibang bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tamang Posisyon Sa Paggamit Ng Computer At Bakit Ito Mahalaga