Heto Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Pangungusap Ayon Sa Gamit Na Ating Dapat Malaman
URI NG PANGUNGUSAP – Maraming klaseng pangungusap tayong makikita nag-iiba ayon sa gamit nito.
Sa kasalukuyan, mayroong 5 uri ng pangungusap tayong pinag-aaralan. Heto ang mga sumusunod:
- PASALAYSAY
- PAUTOS
- PATANONG
- PADAMDAM
- PAKIUSAP
PASALAYSAY – Heto ay ang uri ng pangungusap na nagbibigay ng isang kuwento. Masasabi rin natin na ang uri na ito ay “sumasalaysay”. Ito’y tinatapos gamit ang tuldok (.).
HALIMBAWA: Si Peter ay tumatakbo papunta sa kanilang bahay.
PAUTOS – Ito’y nagpapahayag ng isang obligasyon sa tao na kailangan niyang tapusin o gawin kaagad. Nagtatapos din ito sa tuldok (.).
HALIMBAWA: Mag-aral ka ng mabuti Peter para sa kinabukasan mo.
PAKIUSAP – Ang mga pangungusap na ito ay sumasaan ng paghingi ng pabor mula sa iba.
HALIMBAWA: Puwede ba akong humingi ng pagkain sa iyo?
PATANONG – Dito, ang mga pangungusap ay naglalayong maka kuha ng sagot sa isang katanungan. Nagtatapos ito sa (?).
HALIMBAWA: Sino dito ang kilala si Hector Ramirez?
PADAMDAM – Ito’y nagbibigay ng emosyon sa mambabasa gamit ang tandang panamdam.
HALIMBAWA: Wow! Ang galing mo palang sumayaw, Eva!
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Perpektibong Katatapos Halimbawa – Mga Pangungusap At Iba pa