Heto Ang Mga Bunga Ng Pagkakaroon Ng Pandaigdigang Kalakalan
PANDAIGDIGANG KALAKALAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan at ang mga halimbawa nito.
Pero, bago natin ito pag-aralan, atin munang alamin kung ano nga ba ang pandaigdigang kalakalan. Bukod dito, atin ding aalamin kung ano nga ba ang kahalagahan nito lalo na sa para sa bansang Pilipinas.
Ang pandaigidigang kalakalan ay tinatawag na world trade sa Ingles. Dito nagpapalitan ng mga produkto ang mga bansa. Dahil dito, masasabi natin na ang pandaigdigang kalakalan ay kabahagi ng globalisasyon.

Sa taong 1834, binuksan ng Hari ng Espanyan ang iba’t-ibang daungan ng mga barko sa mga lugar sa Pilipinas katulad ng Cebu, Pangasianan, at Zamboanga.
Pagkatapos nito, nagsimula na ang kalakalang pandaigdig sa Pilipinas. At, dahil dito, maraming magagandang bunga ito para sa ating bansa.
Umunlad ang sistema ng trasportasyon at komunikasyon at maraming naitatag na mga banko sa Pilipinas. Karagdagan, naging maunlad din ang antas ng buhay sa bansa. Isa rin sa mga bunga ng kalakalang pandaigidig ay ang pagpasok ng mga kaisipan at kultura ng ibang mga bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paghubog Ng Pananampalataya – Kahulugan At Halimbawa Nito