Heto Ang Sagot Sa Tanong Na “Sino Si Lola Basyang Sa Totoong Buhay?”
LOLA BASYANG – Sino nga ba si Lola Basyang Sa Totoong Buhay? Iyan at iba pa ang ating sasagutin sa paksang ito.
Noong 2007, may mga isang teleserye na inilabas ng GMA na may pamagat na “Mga Kuwento ni Lola Basyang”. Ngunit, sino nga ba ito?
Si Lola Basyang ay ang pen name ni Severino Reyes. Siya ang nagpatayo at naging editor ng magasin na “Liwayway” noong 1925. Sumulat si Reyes ng mahigit sa 400 na kuwento ni Lola Basyang para sa magasin na iyon.
Kadalasan, ang mga kuwento ni Lola Basyang ay patungkol sa mga hari at kaharian, pagmamahalan at poot, at mga kakaiba at mala-enkantadyang lugar.
Sa teleserye na ipinalabas sa GMA, si Luz Valdez ang actress na gumanap bilang si Lola Basyang. Dito, makikita nating naisasabuhay ang mga kuwento na nasa libro ni Lola Basyang na isinulat ni Severino.
Isa rin sa mga pen name ni Severino ay si “Don Binoy”. Bukod dito, ang Basyang ay ang Espanyol ng pangalang “Basilia”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalagang Igalang Ang Pasya Ng Nakararami? (Sagot)