Heto Ang Mga Paraan Kung Paano Matukoy Ang Kinalalagyan Ng Pilipinas
KINALALAGYAN NG ATING BANSA – Ang paraan kung paano natin matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas ay gamit ng relatibo at tiyak nitong lokasyon.
RELATIBONG LOKASYON – Ang relatibong lokasyon ay naglalarawan sa posisyon ng isang lugar batay sa kinaroroonan ng isang nasyon. Ito’y posibleng matukoy sa pamamagitan ng pag-tingin sa mga katabi o kalapit ntong mga bansa.
Hindi sinusukat ang relatibong lokasyon gamit ang longhitud at latitude.
TIYAK NA LOKASYON – Ang tiyak na lokasyon ay gumagamit ng longhitud at latitude para ma hanap ang isang lugar. Ito ay makikita sa sistemang grid.
SAAN ANG LOKASYON NG PILIPINAS?
Ang Pilipinas ay makikita sa latitude na 12.8797° hilaga, at longitude na 121.7740° silangan. Ito ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog-silangang Asya na may kabuuang lawak na 300,000 kilometro kwadrado. Ang Pilipinas ay isang archipelago na may 7,641 na isla, ayon sa mga kamakailang pag-aara
RELATIBONG LOKASYON NG PILIPINAS
- Sa hilaga, nariyan ang Bashi Channel at Taiwan
- Sa timog, nariyan ang Celebes Sea at Indonesia
- Sa silangan, nariyan ang Pacific Ocean
- Sa kanluran, nariyan ang West Philippine Sea (South China Sea)
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Responsibilidad Na Kambal Ng Kalayaan – Kahulugan At Halimbawa