KLASTER SA FILIPINO – Kahulugan At Halimbawa Nito

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Klaster Sa Filipino

KLASTER – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng klaster Sa Filipino at ang mga halimbawa nito.

Ano nga ba ang tinatwag na Klaster? Ang sagot sa tanong na ito ay madali lamang. Sa ating pang araw-araw na buhay, ating maririnig at mababasa ang mga tinatawag na kambal katinig.

KLASTER SA FILIPINO – Kahulugan At Halimbawa Nito

Sila rin ang ating tinatawag na mga klaster. Ito ay dalawang pinagsamang katinig na bumubuo sa isang tunog. Narito ang mga halimbawa ng klaster o katinig:

KAMBAL-KATINIG

  • py pyesta
  • br braso
  • bl blusa
  • bw bwelo
  • by byahe
  • dr drama
  • dy dyip
  • gr grasa

Bukod dito, ang mga kambal katinig ay posible rin makikita gitnaan o hulihan ng mga salita katulad ng:

  • HALIMBAWA NG KAMBAL-KATINIG SA GITNA: “kumpleto, eskwelahan, sobre
  • HALIMBAWA NG KAMBAL-KATINIG SA HULIHAN: “kard nars rekord kart”

Heto pa ang ilan sa mga halimbawa ng klaster na salita o kambal katinig:

  • gripo
  • prito
  • tsaa
  • plato
  • braso
  • blusa
  • drama
  • dyip
  • klase
  • trumpo
  • tsinelas
  • globo
  • tseke

BAKIT MAHALAGA ANG KLASTER?

Mahalaga ang mga klaster dahil ito ay nagbibigay diin sa mga salita. Kapag wala ito, hindi natin madaling mabibigyan ng kahulugan ang mga salitang ginagamit natin sa pang araw-araw. Bukod dito, sila rin ay nagiging pondasyon ng ating wika at ng semantics ng Filipino.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Karapatan – Kahulugan At Halimbawa Ng Karapatan

Leave a Comment