Kaisipan Ng Munting Kahon Ng Pangarap – Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Kaisipan Ng Kuwentong “Munting Kahong Ng Pangarap”

GINTONG ARAL SA MUNTING KAHON NG PANGARAP – Sa paksang ito, ating pag-aarlaan kung ano nga ba ang mga kaisipan na makikita sa “Munting Kahon Ng Pangarap”.

Ang Pelikulang Munting Kahon Ng Pangarap ay sumasalaysay sa hirap ng buhay ng mga Filipino. Tungkol ang pelikula sa isang jeepney driver, ang kanyang pagmamal sa kanyang pamilya, at ang pagsakripisyo niya para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Kaisipan Ng Munting Kahon Ng Pangarap – Halimbawa At Kahulugan

“Iipon lang ang tatay mo anak, hangga’t sa makabili tayo ng sariling nating jeep”, sabi ng ama sa kanyang anak. Sa pagkakataon ito, sinabihan ng tatay ang anak niya na pupunta siya sa Saudi para makapag-ipon ng pera.

Pero bakit munting kahon ng pangarap ang tawag sa pelikulang ito?

Isang araw, matapos maka uwi ang batang babae galing sa paaralan, nakita nito ang isang kahon na walang laman. Na alala nito ang sinabi ng ama tungkol sa pag-iipon para sa isang jeepney.

Kaya kinuha niya ito at sumulat ng “Para sa Jeep ni Tatay”. Sa loob ng maliit na kahon na ito, nilagay ng bata ang lahat ng naipon niyang pera galing sa pagbebenta.

Ginawa ito ng anak dahil hindi niya gusto na mapalayo sa kanyang ama. Sabi niya sa tatay niya na tutulong siya sa pagbili ng bagong jeep para makasama ito.

Ang gintong aral na ating makukuha sa kuwento ay ang pagmamahal ay walang kapantay. Naipapakita rin sa kuwento na kapag nagtulungan ang mga tao, magagawa ang lahat.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Katangian Ng Lugar Para Kilalanin Na Bansa – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment