Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kalayaan
TULA SA KALAYAAN – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang mga tulang tungkol sa kalayaan at ang kahulugan ng mga ito.
Bilang isang malayang bansa, tayong mga Pilipino ay gumagamit rin ng kalayaan bilang mga indibidwal. Ngunit, ang kalayaang ito ay hindi basta-bastang nakuha.
Matapos ang halos 300 na taon sa ilalalim ng mga Espanyol, tayo ay sinakop ng mga Kano at mga Hapon. Pero, dahil sa katapangan at talino ng ating mga bayani, ang Pilipinas ay naging malaya.
Heto ang mga halimbawa ng tula tungkol sa kalayaan ng ating bansa:
SA KALAYAAN NG AKING BAYAN
Spie PrincipioSa isip ko, di yata
natatamo ‘tong kalayaan
ng aking bayang sinilangan
sa kamay ng dayuhan.Kahit na ilang taon
ang nagdaan sa kasaysayan
s’yang kaakibat pa rin
paghihimasok ng dayuhan.Sa ‘ting pangangalakal
maging sa ‘ting pamamahala
boses ng mga dayuhan
siyang may timbang at halaga.Paano na tayo at ang bukas
patuloy ang hikahos
pagdiriwang ng kalayaan
kawalan, siyang saysay.
Kalayaan Para Sa Bayan
Jazmin EscoverNoong panahon ng kastila nagkaroon ng digmaan
Para lang makamit ang inaasam na kalayaan
Malaking pasasalamat ng mga Pilipino
Dahil nakalaya tayo na parang bilanggoSi Bonifacio ay isang bayani ng ating bansa
Ipinaglaban niya ang ating kalayaan laban sa mga kastila
Baril at itak ang kanyang sandata
Na hindi tinatablan parang, walang kalawang na lataMaraming Pilipinong nasawi at namatay
Sa mapang-aping kastila na mapang-away
Tatlong daang taon sinakop ang ating bansa
Kay tagal bago tayo’y makalayaSana huwag natin kalimutan
Ang mga bayaning hindi pwedeng makalimutan
Na lantay at walang anumang kopya
Sila ang dahilan ng bansang malaya
Ang Bayan Kong Malaya
Malaya ang aking Bayan,
Ito ay dapat na pasalamatan
Mga ninuno kong lumaban
Para sa ating kalayaanMga tulang sinusulat
Librong nagpamulat
Pinag sama-sama ang lahat
Para ipaglaban tayong tapatSa Mga Bayani Ng Pilipinas
Kayo man ay lumipas
Dahil sa inyo atin ngayo’y nadarama
Ang Bayan Kong Malaya
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: May Kaya Kasalungat – Sagot Sa “Ano Ang Kasalungat Ng May Kaya”