Ano Ang Mga Halimbawa Ng Di Pamilyar Na Salita? (Sagot)
DI PAMILYAR – Maraming mga salita ang hindi na natin makikilala. Kadalasan, ito’y dahil sa pagbabago ng wika na dulot na rin ng pagbabago na panahon.
Ngunit, ang mga salitang ito ay parte pa rin ng ating kultura bilang mga Pilipino. Kaya naman, dapat nating bigyang halaga ang mga salitang ito at pag-aaralan.
Ang mga di-pamilyar na salita ay mga salitang hindi kadalasang ginagamit sa mga pang araw-araw na komunikasyon. Heto ang sampung halimbawa:
- Pasimada – toothpaste
- Alimpuyok – sinaing na nasusunog
- Badhi – mga guhit ng palad ng isang tao
- Katoto – matalik na kaibigan o kumpadre
- Kubyerta – palapag o sahig ng malalaking sasakyang pandagat na tulad ng bapor.
- Hunsoy – sigarilyo na mataba
- Piging – isang espesyal at magarang handaan
- Salipawpaw – sasakyang panghimpapawid
- Talaksan – mahahalagang dokumento
- Polyeto – isang papel na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo
Ang wikang Filipino ay tumataglay ng iba’t-ibang mga diyalekto na makikita sa buong Pilipinas. Dahil dito, marami sa mga salita ang naiiba sa pag-gamit depende sa lokasyon ng isang tao.
May mga pagkakataon din na ang mga salita ay napag sama-sama o kaya’y hinati upang maging mga bagong salita.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkamakabansa Kahulugan At Mga Halimbawa Nito