Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Kultura?”
TRADISYON AT KULTURA – Ang kahulugan ng kultura ay naka-angat sa tradisyon na kung saan ito nakabilang. Pero, may malaking pagkakaiba ang dalawa.
Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kultura, ang kahulugan nito, at iba pang mga konsepto at halimbawa nito. Bukod dito, atin ring tatalakayin ang mga bagay na nakaka impluwensiya sa kultura.
KONSEPTO NG KULTURA – Ang ibig sabihin ng kultura ay ang mga kaugalian, tradisyon, kaalaman, o kaya naman ang uri ng pamumuhay ng isang grupo o pangkat. Makikita rin dito ang mga batas, sining, paniniwala, at mga nakasanayan.
NAGBABAGO BA ANG KULTURA? – Ang malaking pinagkaiba ng kultura sa tradisyon ay ang pagbabago ng panahon. Masasabi natin na ang tradisyon ay ang mga bagay na naipasa ng ating mga ninuno sa susunod na henerasyon.
Mga halimbawa nito ay ang tradisyon ng pag-dasal bago kumain, tradisyon ng pag-luto, o kaya’y pagligo sa unang ulan sa buwan ng Mayo.
Pero, pagdating sa kultura, madali itong magbago kasama sa panahon. Sa paglipas ng mga taon, maraming pagbabago ang dumarating lalo na sa larangan ng teknolohiya. Dahil dito, maraming posibleng impluwensiya ang kultura na magdudulot ng pagbabago.
URI NG KULTURA – mayroong dalawang uri ang kultura, Materyal at Di-Materyal. Kabilang sa mga materyal na kultura ang mga gusali, aklat, at mga larawan. Samantala, ang mga Di-Materyal na kultura ay mga bagay na hindi nating mahahawakan katulad ng mga awit, tula, at sayaw.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kaugnayan Ng Turismo Sa Advertisement Halimbawa At Kahulugan