Ano Ang Halimbawa Ng Pananagutan? (Sagot)
PANANAGUTAN – Bilang mga responsableng miyembro ng lipunan, tayo ay mayroong mga pananagutan, pero ano nga ba ang mga ito?
Ang ating mga pananagutan ay hindi lamang sa ating sarili, pamilya, kundi pati na rin sa ating komunidad. Maraming halimbawa ng pananagutan tayong makikita at hindi ito pumipili ng edad.
Bata ka man o matanda, estudyanye o mayroong pamilya, ang mga pananagutan natin ay dapat bigyang halaga. Kaya naman, ating pag-aaralan kung bakit mahalagang gawin ang ating mga pananagutan.
Ang ibig sabihin ng pananagutan ay ang responsibilidad ng isang tao na kailangang gampanan. Bukod dito, kapag pananagutan ang pinag-uusapan, ito’y nangangahulugan na kapag hindi ito na gawa, mayroong negatibong epekto ito sa iyo at sa mga taong kasama dito.
Dahil dito, masasabi natin na ang pananagutan ay halimbawa ng obligasyon o tungkulin. Heto ang mga halimbawa:
- Pananagutan ng pamilya na palakihin ng tama ang kanilang mga anak at mabigyan ito ng sapat na oportunidad upang mag-aral at matuto ng magandang asal.
- Ang pananagutan ng gobyerno na gumawa ng mga proyekto at aktibidad para maipabuti ang antas ng pamumuhay ng mga tao.
- Pananagutan ng isang estudyante na mag-aral ng mabuti upang makakuha ng maraming oportunidad para mai-angay ang sarili at pamilya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Filipino Wika Ng Saliksik Sanaysay Halimbawa At Kahulugan