Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Panukalang Proyekto?”
ANO ANG PANUKALANG PROYEKTO – Ang kahulugan ng panukalang proyekto ay isang uri ng dokumuento na kung saan makikita ang mga plano para kumbinsihin ang isang sponsor or namumuhunan.
Ginagamit ang isang panukalang proyekto para ipakita ang isang oportunidad o solusyon sa mga iba’t-ibang isyu ng isang lugar, negosyo, at iba pa. Mahalaga ang mga panukalang proyekto dahil dito makikita ang pagpaplano sa mga ideya na minsan ay kailagan ng milyun-milyong salapi.
Heto ang mga hakbang sa paggawa ng isang panukalang proyekto:
I. Pamagat: PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG BAGONG LIBRARY PARA SA STEM SA SAN PEDRO HIGH SCHOOL.
II. Proponent ng Proyekto: Peter Dimasalanta, Hector Ramirez
III. Kategorya: Ang proyektong pagbuo ng bagong library para sa STEM sa San Pedro High School (SPHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga libro para sa STEM at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong ito.
IV. Petsa ng Bawat Hakbang:
Petsa | Mga Gawain | Lugar |
Enero 19, 2019 | Pagpupulong ng student council at faculty kasama ang mga site engineers | |
Enero 25, 2019 | Pagtalaga ng magiging punong abala sa paghihikayat sa mga estudyante na kumuha ng kursong STEM | |
Enero 30, 2019 | Pagsagawa ng kampanya para mahikayat ang mga board member na magpatayo ng bagong library para sa STEM | |
Pebrero 15, 2019 | Paglulunsad ng trial run sa bagong library sa paaralan |
V. Rasyonal: Ang kahalagahan ng proyektong ito ay para maipakita ang paguunlad ng paaralan sa larangan ng STEM at para makagawa ng bagong pasilidad para sa bagong kaalaman ng mga kabataan.
VI. Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay aabutin ng anim na buwan para maisakatuparan o matapos. Maliban sa pagbuo ng library, gagawa rin ang mga miyembro ng komite ng paraan para hikayatin ang mga estudyante na kumuha ng STEM.
VII. Badyet: Kahati sa badyet ng paaralan ay mangagaling sa ating sponsors na dating mga estudyante ng SPHS. Magbibigay din ang ciudad ng pondo para sa paggawa ng mismong library.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Paksa – Kahulugan Ng Paksa At Halimbawa Nito