Sagot Sa Tanong Na “Bakit Mahalagang Pag-Aralan Ang Panitikan Sa Timog Silangang Asya?”
PANITIKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalagang pag-aralan ang panitikan ng timog silangang Asya.
Ang lahat ng kultura, saan man sila sa mundo, ay may kani-kanilang estilo ng panitikan. Totoo nga naman na bawat indibidwal na manunulat ay mayroong sariling estilo, ngunit, ito pa rin ay nanggaling sa impluwensiya ng panitikan ng kanyang komunidad, rehiyon at kultura.
Sa Timog Silangang Asya kung saan matatagpuan ang Pilipinas, ay mayroong malawak na uri ng panitikan. Heto ang mga katangian ng mga ito:
Ang panitikan sa Timog Silangang Asya ay posibleng hatiin batay sa rehiyon at wika. Halimbawa, sa ibang rehiyon ay mayroong Sanskrit, Palin, at may rehiyon na gumagamit ng wikang Instik.
Bukod dito, posible pa nating maunawaan ang pagbabago ng panitikang Timog-Silangang Asya mula bago ito sinakop ng mga kanluraning bansa hanggang sa matapos itong maging isang kolonya.
Ang panitikan sa Timog-Silangang Asya ay lumipat mula sa isang metapisiko at teolohikal na paksa sa isang tema ng panlipunan at pampulitika na pang-aapi at pagbabago bilang isang resulta ng mga kundisyon ng kolonyalismo.
Mahalaga na pag-aralan ang mga uri ng panitikan na ito dahil sila ay parte ng kultura natin. Ang mga pantikang ito ay nagbunga ng kabutihan at nagpapalawak rin ng ating sariling kultura at pananaw.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Dalawang Sangay Ng Ekonimiks – Kahulugan At Ibang Pang Kaalaman