Ano Ang Teoryang Realismo Na Makikita Sa Noli Me Tangere? (Sagot)
TEORYANG REALISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga teoryang pampanitikan sa Noli Me Tangere at ang mga halimbawa nito.
Maraming Teoryang Pampanitikan tayong makikita sa mga gawa ni Dr. Jose Rizal. Kahit na bata, may mga kritikal na opinyon na si Rizal tungkol sa estado ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.
Kaya naman, isinulat niya ang mga librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo para maipakita ang mga ito. Kahit na ito’y kathang isip lamang, ang mga pangyayari sa mga nobela niya ay sumasalamin pa rin sa totoong buhay. Dahil dito, masasabi natin na mayroong Realismo ang kanyang mga sulat.
Ang nobelang Noli Me Tangere ay inspirasyon ng totoong buhay ngunit hindi direkta itong totoo sapagkat pinahahalagahan ng may-akda ang kasiningan at pagiging epektibo ng kanyang pagsulat.
Inilalarawan ng nobelang ito kung paano namuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng Espanya. Ipinakita na ang mga kalupitan at karangyaan ng mga nasa mataas na katungkulan ay nagpapatuloy hanggang ngayon.
Mayroon ding pagkakaiba sa mga ugali sa mga katutubo, kahit na pagdating sa kasarian. Gayundin ang hindi nasiyahan na hangarin ng mga Pilipino na mapalaya ang bansa mula sa kontrol ng dayuhan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Teoryang Pampanitikan Sa El Filibusterismo – Kahulugan At Halimbawa