Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Anyo Ng Pagkakasulat?”
PAGKAKASULAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga anyo ng pagkakasulat at ang mga halimbawa nito.
![Anyo Ng Pagkakasulat – Kahulugan At Halimbawa Nito](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2021/06/image-154.png)
Maraming uri ng pagsusulat na makikita. Dahil sa kalawakan ng mga paksang posibleng talakayin, ang pagsusulat ay siya ring may malawak na mga anyo. Ilan lamang sa mga anyo ng pagkakasulat na ating makikita ay ang:
- Paglalahad – Ang Paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang paksa o ideya, bagay o paninindigan upang lubos na maintindihan ng bumabasa.
- Pagsasalaysay – Ito ay pangungusap na naglalahad ng pangyayari o katotohanang bagay at nagtatapos sa tuldok.
- Pangangatwiran – Tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa mga sulat katulad ng pang akademiko.
- Paglalarawan – Isang pagpapahayag o pakikipagtalastasan na ang mga layunin ay ipamalas sa mambabasa ang isang larawan sa kabuuan nito.
Bukod rito mayroon ring pagkakasulat na:
- Malikhain
- Profesyonal
- Jornalistik
- Referensyal
- Teknikal
- Akademik
Ang mga halimbawa sa itaas ay maaaring gamitin sa loob ng paglalahad, pagsasalaysay, pangangatwiran at paglalarawan na mga pagsusulat. Ibig sabihin, ito ay mga istilo ng pagsusulat na posibleng gamitin depende sa konteksto o ng kinakailangan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Monologo At Diyalogo Pagkakaiba At Pagkakatulad – Halimbawa